Chapter 6: Who's L?

12 0 0
                                    

Jake's POV
Grabe sakit talaga manapak ni Daryl buti nalang nakita ako ni Ralph kundi bugbug sarado na ako

Nagtext na ako kay Ayumi baka gagabihin ako sa kakaantay neto bigla siyang nagreply

From: My Princess
Hi prince pwede ba tayo umalis? Punta tayo dun sa may fountain may kailangan kang malaman at may sasabihin rin ako sayo para wala na akong secrets I love you

Bakit kaya? Ano kaya sasabihin niya sa akin? Ano kaya gusto kung malaman? Kung ano man yun ay dapat makikinig ako sa kanya dahil boyfriend niya ako at mahal ko siya

Agad naman ako nagmadali pinuntahan ko kaagad yung sinasabi ni Ayumi wala pang isang minuto ay nandon na kami sa fountain na sinasabi niya

Habang lakad kami ng lakad panay kwento itong si Ayu tungkol sa malungkot niyang napagdaanan, kwinento niya rin sa akin yung kaisa-isang taong minahal niya pero iniwan siya

"Alam mo dito kami nagpapasyal dati, dito rin kami nagkain ng ice cream, alam mo Jake miss ko na siya eh, syempre di naman nawala yun kasi siya lang yung kaisa- isang taong minahal ko." umiyak siya at napasandal siya sa akin

Sino ba tong lalaking to at napaka spesyal naman niya? Ganon ba niya talaga kamahal ang lalaking yan? Walang hiya rin yang lalaking yan sinaktan niya yung mahal ko tas iiwan niya? Ano tingin niya sa mga babae laruan? Nagsalita ulit siya

"Pero nung isang araw nalaman kung may iba palang siyang babae 3 taon naging kami pero niloloko niya ako, nalaman ko nalang nung ikakasal na sana kami nakita ko yung scandal dun ako sumabog, alam mo bang pinaglaban ko pa siya sa harap ng mga magulang ko, pinaglaban ko siya sa lola ko, lalo na kay Daddy. Namatay si Daddy na binigo ko naman siya, at sa mga panahon na yun sising-sisi ako sa mga nangyari at sa ginawa ko"
humagolhol siya sa iyak, eh walang hiya pala yang lalaking yan eh

"Alam mo simula nung nakita kita sa university nabago lahat, at ikaw ang nagpabigay sa akin ng chance na magmahal ulit ako kaya nga minahal agad kita eh." Niyakap niya ako ng sobrang higpit para na ata sisikip ang dibdib ko.

Akalain mong yun ano? Yung feeling na kilalang-kilala mo na siya, pero ang dami mo palang di alam lalo na sa nakaraan niya at sa pagkatao niya. Kung makikita mo na si Ayumi ay mataray oo totoo yun pero kung makikilala mo lang siya ng totoo hindi pala siya maldita mabait pala

Pinahid niya mga luha niya

"Siya nga pala, gusto ka mameet ni Kuya free kaba today?" Pagiiba niya ng usapan

" oo naman, sabihan mo lang ako when ha, para mapuntahan kaagad kita" tumango siya at niyakap ako at umalis na siya

Nakita ko nagmamadali siyang umalis kaya nahulog ang isang panyo niya nakita ko may nakalaga na letter sa panyo niya

LM

Sino kaya tong si L? di kaya siya yung ex ni Ayumi? Ays Jake! Wala kanang paki diyan if siya man ang ex ni Ayumi

May biglang tumawag sa akin at muntik ko ng mahulog ang bag ko

"Long time no talk little brother"

"Kuya Lance?"

Itutuloy...

My Dear TutorWhere stories live. Discover now