Chapter 16: hurt

7 0 0
                                    

Bigla naman sumugod si Ralph sa bahay nila Jake na galit na galit

"Hoy Jake lumabas ka dito harapin mo akong gago ka!" Sigaw ni Ralph hinampas niya ng malakas ang gate ng bahay nila Jake

"Lumabas kayo dito Lance at Jake harapan niyo ako!!" . Lumabas naman si Jake bigla naman ito sinuntok ni Ralph ng napakalakas at napatumba si Jake

"Jake binalaan na kita na sa oras saktan mo kapatid ko di lang yan aabutan mo pero sinaktan mo siya! pinapunta mo si Lance dun na di na dapat siya magpakita!" Sigaw ni Ralph

"Ralph sabihin mo sa akin ano ba kasalanan ni kuya sayo? Sabihin mo sa akin para maintindihan ko! Wala kasi akong naiintindihan sa sitwasyon ang alam ko lang ay ex siya ni Ayumi ba sobra siyang sinaktan, pero diko alam na si Kuya pala yung tinutukoy niya" natawa naman si Ralph at hinawakan niya kwelyo ni Jake

"Hoy gago! Alam mo ba hindi lang siya basta ex ni Ayumi, ang laki ng kasalanan niya sa amin, gusto mo malaman ang totoo ha?" Sinuntok niya naman si Jake ng napakalakas

>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>
Flashback

Hinanap ni Ralph at Daryl si Ayumi dahil nawawala ito sa buong school hanggang sa makarating na sila sa ibang school at umabot sa Havard.

Alas 8 na ng gabi pero wala parin si Ayumi di na mapakali si Ralph dahil ang tagal ng kapatid niyang umuwi

"Daryl nasaan na kaya kapatid ko? ang tagal tagal niya pano mapahamak siya?" Palakad lakad na salita ni Ralph kay Daryl, kinamot kamot niya na rin ang ulo niya

" ang mabuti pa tumawag na tayo ng pulis, baka nawala si Ayumi eh" Katwiran ni Daryl na may halong pagalala

"Hindi naman ganito si Ayumi pagkatapos ng klase niya umuuwi naman siya kaagad Diko maintindihan ano nangyari at di pa siya makauwi" agad na silang umalis dahil nagalala na si Ralph

May biglang nagtext kay Daryl at gulat na gulat siya sa nalaman niya

"Bro! Nakidnapped daw si Ayumi" natulala si Ralph sa narinig niya ay

"Ano?? Bakit siya kikidnappin sino nagkidnapped sa kanya?" Tanong ni Ralph at halatang may galit sa kanyang mata.

"Daryl di ako mapakali na kinakabahan na ako sino ba kasi tong gago na nagkidnnaped kay Ayumi? tsaka bakit siya kikidnappin?" Sigaw ni Ralph habang namumula na ang kanyang mukha dahil sa galit

Agad umalis sila Daryl at Ralph at hanapin ang kumidnapped kay Ayumi pero bago yan may biglang tumutok na baril kay Ralph at sampung mga lalaki ang nasa harap nila Daryl.

Hindi alam nila Daryl ang lahat dahil nagtataka parin sila dahil pinalibutan sila ng maraming tauhan na armado

"Sandali sino ba kayo?"

"Wala kana don basta sumama kayo sa amin" sigaw nung isang lalaki na napaka laki ng katawan at tigas ng kanyang mga braso

Bigla nalang sila dinala sa isang madilim na lugar kung saan walang tao at walang kahit na ano. Tinali ang kanilang buong katawan sa isang kadena

"Andito na pala kayo, namiss niyo ba ako?" salita ni Lance habang may hawak na baril

"kung binigay niyo lang sana sa akin ang hiling ko na pera, edi sana hindi aabot sa ganito ang lahat? Anong nangyari? Hinayaan ninyo mangyari sa akin to!!" Sige niya habang pinuputok niya ng baril ang kisame

Bigla nakita nila Ralph ang kanyang kapatid na si Ayumi agad naman siya napaluha. Kinuha ni Lance si Ayumi at sinakay sa kotse sa sobrang labo ng paningin niya ay nabangga sila

~End Of The Flashback

"Yan ang ginawa ng gago mong kapatid! kung di niya sinaktan si Ayumi di sana aabot sa ganito, na trauma ang kapatid ko ng dahil sa kanya, ng dahil din sa kanya nagkaroon din siya ng depression kaya di mo ako masisi na galit na galit ako sa kuya mo" salita niya habang hawak niya kwelyo ni Jake

"Kaya ikaw Jake wag na wag mo tatarantaduhin ang kapatid ko kung hindi makakatikim ka sa akin" agad niya sinuntok si Jake at umalis

Bigla lumabas si Lance at sinundan si Ralph, pumunta agad ito sa isang lugar na madilim kung saan siya laging pumupunta ang isang bakanteng loteng bahay na walang tao

"Hello Stella, andito na ako"

Itutuloy....

My Dear TutorWhere stories live. Discover now