Chapter 23: confrontation

1 0 0
                                    

Ayumi's POV

Lahat ng tao dito sa Rutherford University ang sama ng tingin nila sa akin dahil natalo kami sa quiz bowl. Pasenya naman eh gusto ko ako sundin ni Jake at hindi ako ang sumunod sa kanya noh? Pero teka mali ba talaga yung ginawa ko? Napahiya ko buong school namin dahil sa kakagagawan ko?

Kasalanan ko to eh, pinahiya ko school namin dapat di ko nalang yun ginawa, dapat pinakinggan ko nalang si Jake edi sana wala ng gulo ngayon.

Pag akyat ko sa taas tila wala sa mood si Kuya. Galit parin ito sa akin dahil sa ginawa ko nung Quiz Bowl. Pati siya ayaw na rin ako kausapin.

"Kuya? Pwede ba tayong mag-usap?" Lumingon si Kuya sa akin at iba na ang mood.

"Busy ako" tipid niya sagot

Halata parin sa mukha niya na galit siya pinipilit ko siya kausapin pero ayaw niya talaga.

"Balik lang ako" tipid niyang sagot

Pagpunta ko sa school ang sama ng tingin sa akin ng mg tao para bang nakagawa ako ng krimen. Hindi ko nalang sila pinansin. Tuloy ko lang paglakad ko hanggang sa pumunta ako sa CR.

"Mare naiinis talaga ako sa pagmumukha ni Ayumi" sabi ni Blaire.

Di ako nagpakita sa kanila kasi ayaw ko ng gulo. Pinakinggan ko lang mga sinasabi nila tungkol sa akin.

"Yah, you know what, naawa ako kay Jake non kasi yung cash prize gagamitin niya para sa pag-aaral niya next year sa US and yet hindi niya nakuha because of that stupid woman" sabi naman ni Maureen.

Nung narinig ko yun nakonsensya ako, gagamitin pala niya yun sa pag-aaral niya sa USA, na guilty tuloy ako. Ganon naba ako kasama para sirain ang buhay ng iba?

Lumabas na ako ng CR at hinarap ko si Maureen at tila gulat na gulat sila.

"Oh bakit hindi ninyo tinuloy ang kwentuhan ninyo?" Tanong ko sa kanya

"You know what Ayumi, okay na sana eh ang kaso sinira mo ang pangarap ni Jake! Sa lahat ng tao ikaw pa ang sumira. Dapat hindi ka nalang naging representative kung ganyan ka rin lang naman" pagsalita niya sa akin.

Dapat nakinig nalang ako kay Jake. Tama sila hindi ko dapat pinairal ang aking damdamin at puot, sana pumayag nalang ako na siya masunod.

"Alam mo Ayumi kung nakinig ka nalang sana kay Jake na siya ang sasagot sa Quiz Bowl, wala sanang problema pero ano nangyari? Mas pinairal mo ang sarili mo kaysa sa kanya. Makasarili ka!" galit at sigaw niya sa akin. Affected talaga ang mga taga Rutherford University sa ginawa ko. Dapat talaga nagisip muna ako bago ko ito nagawa nakapahamak pa ako ng iba.

"Alam mo ba hindi lang si Jake ang nasira dito? Kundi ibang studyante dahil nawalan sila ng scholarship dahil sayo!"

Umalis na silang tatlo. Lumabas na ako sa CR pag labas ko lahat sila nagtitinginan sa akin ang iba naman nagbubulongan at nilalayuan na ako. Ganito na siguro ako kasama, nawala popularity ko sa students.

Sinusubukan ko lumapit sa ibang tao pero sila na mismo lumalayo eh parang ayaw na nila ako makausap bakit naman ganon, ang sakit talaga mga pangyayari, di ko naman ginusto yun syempre naakward ako.

Pagalis ko nakita ko si Jake sa tambayan ng kanyang mga barkada, at kasama si Daryl? Ano ginagawa ni Daryl? Akala ko ba magkaaway sila? Tsaka andiyan din si Kuya?

Lumapit na ako sa kanila agad napansin ni Jake yun pero unti-unti hinanda nila ang bag nila at parang aalis na rin sila.

"Guys tara may gagawin pa tayo ng school project" sabi ni Jake na kinuha niya rin bag niya. Pinigilan ko siya at buti nalang nag steady siya.

"Jake can we talk?"

"Ano ba kailangan natin pagusapan? Hinarap niya ako at seryoso ang mukha niya mukhang galit din siya sa akin.

"Galit kaba sa akin?" Natawa siya ng makaharap ako

"Ano sa tingin mo? magiging masaya ako? pagkatapos mo sirain ang pangarap ko tapos ineexpect mo na matutuwa ako makita ka?" Galit na saad ni Jake sa akin

"Sorry na Jake please patawarin mo ako"

"Sorry? Huli na yang sorry mo Ayumi! Hindi mo na maibabalik ang lahat, alam mo kung bakit? Dahil makasarili ka!!" Tinuturo niya ako at nanlalaki ang mata niya sa galit.

"Teka nga, diba ikaw itong selfish? Bakit ako sinisisi mo? Nakita mo na relasyon palang natin hindi mo ako pinaglaban" umiling iling si Jake

"Pwede ba Ayumi wag mo baliktarin ang kwento kasi ikaw naman ang nauna, ikaw ang unang sumuko, ikaw ang unang bumitaw hindi ako, hindi ko alam ano ang rason mo bakit mo ginawa yun at diko alam kung ano ang kasalanan ko bakit bigla mo akong hiniwalayan!" Sigaw niya sa akin.

Nangyari to lahat ng malaman ko na kuya niya si Lance, ayaw ko na may kahit na ako koneksyon pa ako sa taong yun. Kasalanan to lahat ng kuya niya siya dahilan naghiwalay kami ni Jake.

"Dahil sa kuya mo!! Siya dahilan bakit nakipag hiwalay ako sayo dahil ayaw ko na siya makita!" Natawa si Jake sa akin.

"Dahil ba ex boyfriend mo siya ganon?"

"Oo ex boyfriend ko na sobra akong sinaktan" iyak ko na matindi sa harap niya, wala ako paki kung maraming nakatingin.

"Ayumi, this not about you and kuya anymore, it's about us, pwede naman natin to pagusapan eh, bakit hiniwalayan mo agad ako, and that's the thing na ayaw ko sayo, you are unreasonable. Sorry to tell you pero binigyan mo ako ng rason para hindi na kita balikan!"

Umiyak lang ako hanggang paglabas ko sa bahay hanggang sa di ko na alam saan ako pupunta at bigla nalang akong nahilo tsaka natumba.

Itutuloy....

My Dear TutorWhere stories live. Discover now