Chapter 19: Focus

3 1 1
                                    

Ayumi's POV

Ito na ang araw na hinihintay ko
quiz bowl ko na ngayon sana masagot ko na mabuti

Hinanda ko na mga gamit ko papuntang school, hindi pa ito yung Quiz Bowl na ka compete ko ibang school pero sana nga manalo ako

Bigla kong nakita si Jake na pumasok na rin. Hindi pa akong handa makita siya

Sa lahat ng nangyari hindi ko pa siya handang makita at makasama. Inaamin ko na mahal ko parin siya

Bumaba na ako sa taxi at sakto pumasok na ako. Nagkatinginan lang kaming dalawa hanggang sa umalis na siya

Hindi man lang niya ako kinausap? Hindi man lang niya ako kinamusta? Oo nga naman Ayumi bakit ka naman magexpect na kakausapin ka niya eh ikaw mismo gustong lumayo sa kanya

Hays Ayumi umayos ka focus ka! Hayaan mo muna si Jake, ginusto mo to eh ginusto mo eh!

Ito na talaga yun self, ito na yun. Kinuha ko na lahat ng notes ko at books pati research ko at nagsimula na mag aral

Malapit na ang Quiz Bowl kaya kailangan ko double practice at aral para di ako mahirapan sa exam

May bigla namang kumablit sa akin na babae na diko kilala may inabot siya sa akin isang pastillas. Ano kaya meron

Binuksan ko ito pero nakita ko may papel na nakalagay. Ang corny nito ah. Sino naman kaya to

"Goodluck sa Quiz B mo ah? Tandaan mo kahit wala ako sa tabi mo ngayon, ikaw ang laman ng puso at isip ko kaya please galingan mo. Pag kinakabahan ka, tumingin ka lang sa paligid makikita mo ang hinahanap mong sagot para ikaw ay maka focus at mainspired lalo"

-Mr. Bulletin

Sino kaya to? Napaka sweet ha? Hindi kaya si Jake to? Ay nako self wag kang assuming, malay mo secret admirer mo lang to ayaw magpakita sayo

Hays miss ko na siya, miss na miss ko na. Kailan kaya kami babalik  sa dati yung walang sakitan at bitterness. Ready naman ako makipag reconcile pero bakit umiiwas at lumalayo siya sa akin

Biglang may nagtext sa akin

From: my prince

Ayumi,. Magkita tayo sa tambayan namin mag usap tayo may kailangan lang akong ibalik

Ano kaya yun? Nako puntahan ko na siya para malaman ko. Tumakbo na ako ng mabilis. Bahala na si Barbie

Sa wakas at nakarating na ako sa kanilang tambayan. Nakita ko si Jake dun naka talikod siya pero may dalang malaking box

Para saan yung box na yun? Bakit bitbit niya yan. Lumapit na ako sa kanya

"Andito na ako Jake, ano pala paguusapan natin?" lumingon naman siya at sakto rin na may kailangan akong sabihin sa kanya

"Hindi ko na patatagalin to, nais ko lang ibalik to sayo lahat na binigay mo sa akin" binalik niya ang binigay ko sa kanyang mga gamit ko sa school.

Bakit naman niya to gagawin? Ang daya naman niya! Akala ko ba walang iwanan

"Since ikaw naman nagsabi na ayaw mo na sa akin kaya, ito pinuputol ko na connection ko sayo, tutuparin ko hiling mo na lalayuan na kita" kinuha niya ang bag niya pero pinigaln ko siya

Lumuhod ako sa kanya para makiusap na wag niya akong iwan at humingi ng sorry

"Sorry Jake! Please forgive please wag mo akong iwan"

"Ayumi pinatawad na kita and I'm sorry pero my desisyon is final" hawak hawak ko parin paa niya. Sa galit niya tinayo na niya ako

"HINDI NA KITA MAHAL! Utang na loob lumayo kana sa akin"

HINDI NA KITA MAHAL!
HINDI NA KITA MAHAL!
HINDI NA KITA MAHAL!
HINDI NA KITA MAHAL!

Aray ko! Sobrang sakit non! Umalis nalang siya na iniwan niya ako ditong magisa


Itutuloy....

My Dear TutorWhere stories live. Discover now