Chapter 45 *Tragedy*

50 3 4
                                    

"Sandali!"

Hindi ko napigilan ang sarili ko. Hindi ko ata kaya na mawala si Ayesha kaya agad kong hinabol si Grace.

"Please, huwag mo munang kunin si Ayesha. Kakausapin ko muna si Dion."

"Sinabi ko na, di ba? Nag-usap na kami. Gusto mo pa bang daanin ko sa legalidad ang pagkuha sa pamangkin ko?"

Biglang umiyak si Ayesha.

"Ako ang tita mo, kaya mula ngayon sa akin ka na titira."

Nagpumiglas si Ayesha.

"Ayesha."

"Mama!" Tumakbo siya palapit sa akin. Yumakap siya sa may tuhod ko at biglang umiyak.

Napapadyak si Grace pero pumustura uli ito at huminga nang malalim
"O sige, bibigyan kita ng isang araw. Isang araw lang. Bukas na bukas kukunin ko na ang pamangkin ko."

Umalis na si Grace pagkasabi noon.

"Ayesha."

"Mama." Hinigpitan niya ang pagyakap sa akin.
Umupo ako para maging pantay kami pagkatapos ay tiningnan ko ang mukha niya.
Kahit umiiyak siya, para pa rin siyang anghel.

Niyakap ko siya, niyakap din niya ako nang mahigpit.

Bigla na akong napaluha.

Paano ko nga ba kakayaning pakawalan ang anghel na ito? Hindi ko siya tunay na anak pero iyon na ang turing ko sa kanya.

Huminga ako ng malalim para hindi tumuloy ang iyak ko.
Ayos na ako.

Binuhat ko na si Ayesha at ibinalik sa kuwarto.
Pinatulog ko na muna siya kasama si Reon.

Tulog na silang dalawa ni Reon nang subukan kong tawagan ulit si Dion.

Napangiti ako nang sa wakas ay sagutin na niya.

"Dion!"

"Manager niya ito."

"Ah, nasaan po si Dion?" tanong ko agad.

"Ikaw si Kim, hindi ba?" tugon niya.

"Opo."

"Please, huwag mo na munang guluhin si Dion. Marami siyang iniisip."

"Hindi ko naman po siya ginugulo. Gusto ko lang ipaalam sa kanya na kinukuha na si Ayesha."

"Oo, alam na niya ang tungkol diyan. Actually nakausap na namin si Grace."

"Anong sabi ni Dion? Okey lang ba iyon sa kanya? Nasaan po ba siya? Please sabihin nyo naman."

"Ok. May parivate resort si Dion sa Batangas at naandon siya ngayon. Ite-text ko na lang sayo ang exact address, pero paalala lang ayaw niyang tumanggap ng bisita."

"Hindi naman ako bisita, asawa niya ako."

"Asawa?" Biglang tumahimik sa kabilang linya.

"Hello?" sambit ko.

"Bahala ka," sagot niya bago niya tinapos ang tawag. Pagkatapos ay tinext niya ang address kung nasaan si Dion.

Agad na akong nagpalit ng damit para pumunta roon.
Inihanda ko rin ang mga gamit ng nga bata. Walang magbabantay sa kanila kaya kailangan ko silang isama.
Tatlo kami na sumakay ng bus papunta sa Batangas.
Isang oras din ang byahe papunta roon. Pagdating sa terminal ay sumakay kami ng tricycle papunta sa villa na sinabi ng manager ni Dion. On the way ay tuwang tuwa ang mga anak ko dahil may nadaanan kaming dagat hanggang sa marating na nga namin ang private resort ni Dion.

Mayroon itong mataas na gate kaya hindi kita ang loob.
Nag-doorbell na ako.

Sandali lang ang hinintay ko, bumukas na agad ang gate.
"Ano iyon?" tanong ng isang matandang lalaki na siyang nagbukas nito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 15, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

How to Love a Super StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon