Chapter 28 *Giving up*

43 3 1
                                    

"Oo, nagkaanak kami."

Dinig na dinig ko mula sa kabilang linya ang sinabing iyon ni Edward.

"May anak kami ni Kim kaya binibigyan ko siya ng pera, pero hindi na kami nagsasama. Magkawilay na kami," dagdag pa ni Edward. "Ngayong alam mo na, kaya mo pa rin bang tanggapin si Kim?"

"Nandyan ba si Kim?"
"Kanina, pero umalis siya. Pinuntahan ka ata."

Tinapos ko na ang tawag. Bumangon ako at nagpunta sa sala.
Kung pinuntahan nga ako ni Kim ibig sabihin any moment ay darating siya.

At tama ako.
Nasa labas na si Kim.

Binuksan ko na ang pinto bago pa siya mag-doorbell.

"Daren. Let me explain," bungad ni Kim.

Pinapasok ko siya.

"Iyong nakita mo kanina, ang totoo..."

"Hanggang kailan mo itatago sa akin ang tungkol sa anak mo?" Diniretso ko na siya.

"A-Alam mo na?" Halata ang pagkagulat ni Kim. Akala niya ba talaga hindi ko iyon malalaman?

"Sinabi sa akin ni Edward ang tungkol sa kanya,"sabi ko.

"Im sorry. Sasabihin ko rin naman sayo naghahanap lang ako ng timing."

"Timing?" Nagpanting ang tainga ko. "Anong timing ang pinagsasasabi mo dyan!" Napataas na ko ng boses.

"Daren, sorry!"

"Sorry? Nagsosorry ka na naman? Iyan lang ba talaga amg alam mong sabihin!"

"Eh kasi..."

"Umalis ka na muna. Saka na lang tayo mag usap."

"Pero Daren..."

"Alis na!"

Napakapit ako sa ulo ko pagkaalis ni Kim.
Kaya ko pa bang tanggapin si Kim ngayong alam ko na may anak na siya?

Pero teka kaya ko ba na mawala siya?

***

Kinaumagahan.

Nagdesisyon ako na puntahan si Kim.
Nandito ako ngayon sa tapat ng unit niya.

Kakatok na ko nang biglang bumukas ang pinto at may lumabas na batang babae.

"Kayo po si..."

"Ah..."

"Ayesha, bilisan mo na baka dumating na ang school bus nyo." Si Kim iyon.

"Mama, may tao."

"Ha?" Sumilip si Kim.

"Ah! D-Daren..."

Kung gayon, totoo nga.
May anak na nga talaga si Kim.
At siya iyon.
Ang batang babae na ito ang anak ni Kim.

"Di ba po artista ka?" tanong sa akin ng bata. Kanina pa nga siya nakatingin sa akin.

"Artista rin po ang daddy ko!"

"Ayesha..."

Nagbusina na ang bus.

"Nandyan na school bus namin. Mama alis na po ako." Tumakbo na paalis ang bata.

"Daren, anong ginagawa mo rito?" tanong ni Kim.

Tiningnan ko siya.
Niyakap ko siya.

"Ah, Daren..."
Nag alala si Kim na baka may makakita sa amin.

Wala akong pakialam.

"Tatanggapin ko siya. Tatanggapin ko na may anak ka na. Basta sa akin ka lang, ha?"

How to Love a Super StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon