Chapter 26 *Together*

52 4 0
                                    


"Mahirap kalaban ang first love kaya somehow nakakarelate ako kay Julia," sabi ni Percy.
Magkasama pa rin kami dito sa roof top.

"May first love na hindi makalimutan si Mira?" tanong ko.

Tumango si Percy. "Oo, meron."

"Mahal pa rin niya? Kung gayon nakipagrelasyon siya sayo kahit may mahal pa siyang iba."

"Sounds familiar ba, Daren?" nangingiting sabi ni Percy.

Hindi agad ako nakaimik.
Naisip ko kasi na tama siya. Nakipagrelasyon kahit may mahal pang iba.
Pareho pala kami ni Mira.

"Anong balak mong gawin ngayon, Percy? Kung babalik kasi ang first love ni Mira malaki ang tsansa na iwan ka niya."

"Hindi mangyayari iyon."

"Puwede iyon, kaya ngayon pa lang dapat mag isip ka na!"

"Kung titingnan parang pareho ang sitwasyon nyo ni Mira, pero sa totoo lang malaki ang kaibahan dahil one sided love lang naman iyong kay Mira. Never kasi siyang nagustuhan nung lalaki. Sinabi rin ni Mira na nakamove on na siya at gusto na niya ko kaya pagkakatiwalaan ko siya. Patutunayan ko rin na hindi siya nagkamali na ako ang pinili niya."

Napangiti ako.
Ibang klase talaga si Percy.

"Pero ikaw Daren, sure ka na ba talaga kay Kim?" Ibinalik sa akin ni Percy ang usapan. "Nagawa ka niyang lokohin dati. Sa tingin mo ba hindi na niya iyon uulitin?"

"Hindi ko alam, pero tulad mo nagtitiwala rin ako kay Kim. Iyon din lang ang pinanghahawakan ko."

***

"Kanina ka pa ba?" tanong ko pagdating ko sa bahay. Binigyan ko ng susi si Kim at sinabihan na dumiretso dito sa bahay ko.
Nakakatuwa dahil pagdating ko ay may handa nang pagkain.

"Para sa akin iyan?"

"Oo. Kumain ka na. Uuwi na ko."

"Teka!" Hinawakan ko ang kamay niya. "Kadarating ko lang, aalis ka na agad?"

"Gabi na kasi."

"Ihahatid na lang kita. Sabayan mo muna akong kumain."

"Nakakain na ko."

Tiningnan ko si Kim.

"O sige na nga." Pumayag siya kaya napangiti na ako.

Sabay na kaming umupo sa dining table at kumain.

"Wala talagang kupas ang luto mo," sabi ko kay Kim.

Ngumiti lang siya at nagtuloy sa pagkain, pero huminto rin siya at tumingin sa akin.

Napahinto na rin ako. "May problema ba?"

"Pumasok kasi ako kanina sa kuwarto mo, tapos nakita ko ito." May kinuha siya mula sa bag niya. "Nakasingit ito doon sa nakadisplay na picture frame. Puwede bang sa akin na lang?"

Bigla akong napatawa. Picture ko noong 1 year old ako ang hawak ni Kim. "Inlove na inlove ka talaga sa akin, ano? Pati picture ko ninanakaw mo."

Nagpout siya. Ang cute niya. Hindi ko tuloy napigilan ang sarili ko na halikan siya sa pisngi."Ang cute ko ba dyan?" tanong ko. "Ang cute ko noong bata, ano?"

"Oo. Ang cute mo noon. Hanggang ngayon naman."

"Talaga ba?" Tinitigan ko siya.

"Tapusin mo na iyang pagkain mo."

"I miss you," sabi ko. Hindi ko na pinansin ang sinabi ni Kim. "I love you," dagdag ko pa.

Ngumiti siya. "I love you, too Daren."

How to Love a Super StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon