Chapter 34 *My Brother*

51 3 0
                                    

Kim POV

"Si Reon? Eh, hindi na naman sikat iyon, di ba?"

Nasa loob ako ng cubicle ng CR ng isang fast food nang marinig ko iyon.

"Matagal nang laos si Reon. Nagpasaway kasi siya noong mga panahon na sikat na sikat siya."

Kung anu ano pa ang sinabi nila tungkol kay Reon. Nakakainis lang.
Pero ayoko ng gulo kaya hinayaan ko na muna ang dalawang nag-uusap na makaalis bago ako lumabas ng cubicle.
Ang mga bruhang iyon.
Ano bang alam nila kay Reon?
Anong alam nila sa papa ko?

Mula sa CR ay nagdiretso ako sa may freedom wall.
Nagdikit ako ng papel dito na ang nakasulat ay 'Lumipas man ang panahon, hindi pa rin maitatanggi ang husay ni Reon.'

Sana may mag-agree sa akin.
Sana lang.

Kinabukasan, namilog ang mga mata ko nang makita ko na may sumulat sa papel na idinikit ko.
Ang bilis naman ng response!

'Yes, I agree. The best pa rin si Reon.'
Ang nakasulat sa papel.

Napangiti ako.
Mabuti naman at meron pa ring naniniwala sa husay ni Reon.
Pero sino?
Sino kaya siya?

Sinagot ko ang sulat.
'Salamat sa pag-agree. Anak ako ni Reon. How about you? Puwede ba kitang makilala?'

Isang araw pa uli ang hinintay ko bago ako nakatanggap ng sagot.

'Trainee ako sa VT Ent. Leader ng Lucky Cards.'

Trainee?
Sa VT?
Leader siya?

Ang VT na tinutukoy niya ay ang agency ng papa ko dati.
Actually naghahanda ako na mag-audition doon.
Mukhang magkikita kami.

"See you soon sa VT."

Sagot ko iyon sa kanya. At doon na natapos ang pag-uusap namin.

Nag-audition na ako sa VT.
Dito ay nalaman ko ang tungkol sa Lucky Cards at sa leader nito.

Isa ang Lucky Cards sa naka-line up na mag-debut.
Ang leader ng grupo ay ang top trainee na si Daren Benjamin.

Daren Benjamin?
So, siya pala iyon.

Marami pa akong narinig tungkol sa kanya.
Puro magaganda.
Pero wala lang naman iyon sa akin.
Natuwa lang talaga ako dahil gusto niya si papa.

Pero nagbago ang lahat noong unang araw ko sa VT as trainee.
Nagbago nang makita ko na kumakanta si Daren.
Nagbago nang ma-love at first sight ako sa kanya.

***

6am.
Ganitong oras akong nagising.
Nakakapanibago dahil nandito ako sa magandang silid.
Dito na kasi ako nakatira sa bahay nina Daren.

Kinuha ko ang phone ko.
Hindi ko alam, pero bigla kong namiss si mama.
Gusto ko siyang makausap.
Kaya lang...
Paano ko sasabihin sa kanya na dito ako sa bahay ng boyfriend ko nakatira?
Suguradong hindi niya iyon magugustuhan.

Ah.
Bahala na nga.
Dinial ko na ang number ni mama.

"Hello mama."
"O, anak. Napatawag ka?"

"Mangangamusta lang po."

"Ayos lang ako. Hindi mo ako dapat alalahanin. Ikaw, kumusta ka na?"

Napalunok ako.
Sasabihin ko ba sa kanya na narito ako kina Daren?
Baka magalit siya.

"Siya nga pala, Kim, nagkita na ba kayo ng kapatid mo?"

"Ha?" Napakunot ako ng noo.

"Ang kuya Shawn mo. Nandyan na rin siya."

How to Love a Super StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon