Chapter 36 *Broken Dreams*

43 2 0
                                    

"Ano bang gusto mo paglaki?"

Kahit matagal na tanda ko pa rin ang tanong na iyon ni papa.

"Gusto ko rin pong maging tulad nyo, papa. Isang super star."

Iyon ang sabi ko.

At pinanindigan ko iyon.
Sinubukan ko iyong abutin, pero hindi naging madali.
Naging mahina ako.
Dumating pa sa punto na halos sumuko na ako.

Being a star is not easy.

"Anak ka ng super star kaya kaya mo rin maging super star," sabi ni Mira na siyang nagpatatag ng loob ko.

Dahil sa sinabi niya kaya pinilit ko na huwag sumuko.
Hanggang sa makapasa nga ako para maging bida sa isang drama.

Mukhang malapit ko nang matupad ang pangarap ko.
Ang pangarap na sinabi ko kay papa.

Iyon ang akala ko.

"Buntis ka."

Parang tumigil ang mundo ko matapos ko iyong marinig mula sa doctor.

Ang mama na ni Daren ang nakipag usap sa doktor.
Pagkatapos ay bumalik na rin kami sa apartment ko sakay ng kotse ni tita.

"Ayos ka lang ba?" tanong ni tita.

Tumango ako.

"Gusto mo ba ako na ang magsabi kay Daren?"

"Ah, hindi po. Ako na lang."

"Sige."

"Tita, natatakot po ako," amin ko.

Hinawakan ni tita ang kamay ko. "Kilala ko ang anak ko. Hindi ka niya tatakbuhan."

"Alam ko naman po 'yon. Ang inaalala ko lang ay ang..."

"Ang mga career nyo, tama?"

"Opo."

"May nagawa kayong mali kaya wala kayong choice kundi ang harapin ang consenquence non. This time kailangan nyo munang isantabi ang mga pangarap nyo."

Napatungo ako. Tama naman kasi si tita.
Ginawa namin ito kaya kailangan panindigan.
Pero pangarap ko rin naman makasama si Daren kaya kahit papano okey na rin siguro kung hindi man matupad ang pangarap ko na maging star.

Saka na lang ako hihingi ng tawad kay papa.
Saka na lang.

***

"Hello Kim?"

"Daren! Sorry hindi ko nasagot ang tawag mo."

"Ok lang. Kumusta ka? May ginagawa ka ba?"

"Ah, wala naman. Ikaw? Busy ka ba? Puwede ba tayong magkita?"

"Wala akong gagawin. Sige pupuntahan kita."

Ito na ang oras.
Sasabihin ko na kay Daren.

"Nagluto ako. Kumain na muna tayo," sabi ko pagdating ni Daren sa bahay.

"Ah, sige. "

Pumunta na kami sa dining area.

Uupo na si Daren nang biglang may tumawag.

"Wait lang, Kim. Si Z ito. Sagutin ko lang. "Hello, Z? Z, relax ka lang. Bakit ka ba umiiyak? Nasaan ka ba? Ano!"

Isang masamang balita.
Nakabangga si Z.

Agad namin siyang pinuntahan.

Mabuti na lang dahil nasettle din agad ang lahat.

"Kawawa naman si Z," sabi ko.
Pabalik na kami ni Daren sa bahay.

How to Love a Super StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon