Chapter 22 *Again*

57 3 0
                                    

Halos anim na buwan din ang lumipas mula nang magkita kami ni Kim.
Aminado ako na may mga araw na gusto ko siyang puntahan, mabuti na lang pinipigilan ako nina Yuan.
Pinapaalala nila sa akin na may girlfriend na ako na hindi ko puwedeng balewalain.

Pero may nangyari na babago sa sitwasyon namin ni Julia.

Breaking!
Lucky Cards leader Black Spade and actress Julia Hartston are dating.

Kumalat sa social media ang tungkol sa relasyon namin ni Julia. May mga reporter kasi na nakakita sa amin na magkasama. Okey lang naman sa akin ang balitang iyon dahil totoo naman iyon, pero mukhang kasiraan iyon para kay Julia.
May kontrata kasi siya ngayon sa isang advertising company kung saan bawal pa muna siya magboyfriend.
Pinayuhan siya ng manager niya na itanggi ang article tungkol sa amin.

"Sorry Daren. Ayoko talagang gawin ito, pero kailangan para sa career ko," sabi ni Julia.

Nasa bahay niya kami ngayon. Pinuntahan ko siya para kumustahin at para mapag-usapan na rin ang tungkol sa kumalat na picture namin.

"Wag kang mag-alala. Naiintindihan kita at ok lang sa akin," sabi ko.

"Talaga? Ok lang sayo? Ok lang ba talaga sayo kung mag-cool off muna tayo?"

"Sayo ba, okey lang?" Ibinalik ko ang tanong.

Napasimangot si Julia.
Kasabay noon ang pag-iling niya. Ramdam ko na ayaw niyang gawin ito pero wala siyang magawa dahil iyon ang sinabi ng manager niya.
Kaya nga nagdesisyon kami na bawasan muna ang pagkikita.
Pero kapag tapos na ang kontrata ni Julia ay babalik kami sa dati. Puwede na rin namin aminin in public ang aming relasyon.

Itinanggi na nga ni Julia ang tungkol sa amin. Pagkalipas ng isang linggo ay nawala na ang issue, pero nasundan iyon.

Naissue naman ako sa ibang mga babae. Hindi ko alam kung bakit, pero parang lahat ng nakasama ko kahit iyong nakasalubong ko lang sa daan ay inili-link na agad nila sa akin.

Mga reporters talaga, magkabalita lang.

Hindi ko na lang sila pinansin.

"I miss you, Daren," text ni Julia.
Kahit hindi kami nagkikita ay nagkakausap at nagkakatext pa rin naman kami.
Hindi napuputol ang communication namin, pero dahil sa pareho kaming busy, may panahon na isa o dalawang text na lang kami sa isa't isa.

Somehow, I also miss her. Pero hindi katulad ng pagkamiss ko kay Kim.
Kaya nga minsan na-g-guilty ako.

"Julia, ok pa ba tayo?" sabi ko isang gabi na magkausap kami sa phone.

"Are you suggesting for a break up? No! Ayoko," sabi agad ni Julia.

"Pero Julia, kasi..."

"Please Daren. Huwag tayong sumuko. Malapit na. Ilang buwan na lang tapos na ang kontrata ko. Please..."

"Julia..."

"I love you."

"Sige, hihintayin kita," sagot ko.

Pero ang buwan ni Julia, inabot din ng mga taon.

***

Day off ko.
May time sana akong puntahan si Julia, kaya lang hindi naman puwede dahil sa sitwasyon niya.
Nag-stay na lang ako sa bahay. Nanood ng mga movies at natulog.

5pm na nang puntahan ako sa bahay ko nina Percy at iba ko pang kagrupo.

Napakunot ako ng noo nang makita ko na nakabihis sila.

"Bakit?" tanong ko.

"Daren, hindi ka pa bihis?" sabi agad ni Z.

"Bakit naman ako magbibihis? Wala akong schedule ngayon."

How to Love a Super StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon