Chapter 31 *The Accident*

48 4 2
                                    

Daren POV

Simula nang mapabilang ako sa VT, nag-focus na ako sa music.
Hindi ako nakipagdate kahit pa may crush ako.
Ang pangalan niya ay Belle.
Sa kanya at sa music niya lang ako interesado, pero kahit ganoon hindi ko pa rin siya niligawan.
Ang sabi ko sa sarili ko, saka na, kapag sikat na rin ako.
Pero nagbago ang lahat...
Nagbago nang araw na iyon...

"Hi."

Nasa tapat ako ng vendo machine nang lapitan at batiin ako ng isang babae.

"Kasamahan mo ko sa VT. Ako si Kimberly Santos," pagpapakilala niya sabay abot sa kamay niya. "Anak ako ni Reon.  Ikaw si Daren, di ba?"

Tumango ako.

"Puwede bang makipagkaibigan?" Hindi niya pa rin inaalis ang kamay niya, pero ayoko. Ayoko siyang kamayan.

Mukhang nabasa naman niya ko dahil ibinaba na niya ang kamay niya.

Kung titingnan, maganda naman siya, pero hindi ko siya type. Hindi ko siya gusto.

Pero noon iyon.
Ngayon nagbago na.
Mahal ko na siya.
Mahal ko na si Kim.

"Daren?"

Nasa loob ako ng kotse nang may kumatok sa bintana ko.
Si Mommy.
Nandito pa ako sa parking area malapit sa condominium nina Kim.

Bakit nagpunta pa si mommy?
Agad akong bumaba.

"Ma, anong ginagawa nyo rito? "

"Hindi ko napigilan na huwag sumunod. Wala ba sa kanila si Kim?"

"Ah..." Anong sasabihin ko? Paano ako magpapaliwanag kay mom?

"Tita?"
Dumating si Paola.

"Paola, narito ka pala."

Mayamaya pa ay dumating na rin sina Percy at Mira.

"Nandito rin kayo?"

Nagkatinginan kami.
Paano namin papaalisin dito si mommy?
Siguradong malaking gulo kapag nalaman niya na hindi niya apo si Ayesha.

"Pauwi na ba kayo? Ako na lang ang pupunta kay Kim."

"Ma, wag na. Wag mo na siyang puntahan!" pigil ko.

"Bakit naman?"

"Tita..." si Mira.

"Daren, sa tingin ko kailangan din malaman ni tita ang lahat," sabi naman ni Paola.

"Paola!" nasabi ko nang malakas ang pangalan niya.

"Anong dapat kong malaman?" nagtaka na si mommy.

Lumunok muna si Paola bago nagsalita. "Negative iyong DNA test. Hindi si Daren ang tatay ni Ayesha."

Natigilan si mommy.
Hindi agad nakapagsalita.

"Mommy?"

"Nasaan iyong DNA test?"

"N-Naiwan ko kina Kim."

Agad na lumakad si mom.

"Ma, sandali!" Sinundan ko siya.
Sumunod na rin sina Mira, Percy at Paola.

"Kim!" tawag ni mommy. Pinagbuksan agad siya ni Kim.
"Nasaan iyong result ng DNA test?" tanong ni mom sabay pasok ng dirediretso.

Iniabot na ni Kim.

Nagkatinginan kami nina Percy.
Malalaman na rin ni mommy.

Biglang namilog ang mga mata ni mom nang makita ang result.

How to Love a Super StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon