Chapter 21 *Deleted Memories*

62 3 0
                                    


<Daren POV>

"Nakakainis talaga ang babaeng iyon. Ang kapal ng mukha!"

Narinig ko si ate na sinabi iyon.

Sabay sabay kaming kumakain ngayon sa labas ng resthouse namin.
Naisip kasi ni papa na magbonding kami bago tuluyang ikasal si ate.

"Dewelyn, hindi ito ang oras para pag-usapan ang tungkol diyan," sabi ni papa.

Umisnab lang si ate bago nagpatuloy sa pagkain.

"Sige lang kumain lang tayo. Mamaya mamamangka tayo tulad nang lagi nating ginagawa noong mga bata pa kayo."

Si papa.
Hindi ko alam kung anong nakain niya.Ngayon niya lang kasi ito ginawa. Ang mag-initiate ng family vacation.
Nag-leave siya sa trabaho at pinag-leave niya rin kami.

"Oh, Mama, bakit ang unti ng kinakain mo?" tanong ni papa.
Ngumiti lang si mama.
Sa totoo lang mula nang maghiwalay kami ni Kim napansin ko na ang pagiging tahimik ni mama. Nakapagtataka na wala siyang sinasabi. Pero sa tingin ko na-disappoint talaga siya. Gustong gusto niya kasi si Kim.

"Ah, Ma. Pa. Ate Dewelyn." Kinuha ko ang atensiyon nila. "Salamat sa pagsuporta nyo sa akin. Pasensya na kayo sa inasal ko, pero ayos na po ako ngayon. Handa na rin uli ako na magtrabaho."

"Handa ka na rin ba na kalimutan si Kim?" Biglang singit ni ate Dewelyn.

Ngumiti lang ako.
Hindi kasi ako sigurado kung makakaya kong kalimutan si Kim, pero susubukan ko.
Ah, hindi. Gagawin ko para hindi na ko masaktan.

***

"Daren!"

Tuwang tuwa ang mga kagrupo ko nang bumalik na ko sa apartment namin.

Isa isa nila akong niyakap.
Nandito rin ang manager namin na alam kong masaya rin dahil handa na akong muli na magtrabaho.

"Saktong sakto ang pagbalik mo. Umabot ka sa ball natin mamayang gabi," sabi ni Yuan.

Napakunot ako ng noo. "Ball? Ngayong gabi? Teka, hindi pa ba tapos iyon?"

"Na-cancel kasi, pero mamaya tuloy na kaya maghanda kana dahil sa ayaw at sa gusto ko pupunta ka ron," sabi naman ni Percy.

"Pero sinong  magiging partner ni Daren?"

"Ako nang bahala." May tinawagan si Yuan. "Oh, ok na. May partner ka na Daren."

Napabuga na lang ako ng hangin.
Ang totoo ayokong dumalo sa ball, pero sige na. Pagbibigayan ko na sila.

Pagkatapos magpalit at magpahinga nang kaunti ay nag-ayos na agad ako para sa ball.
Maaga akong nagpunta kaya maaga ko rin nakilala iyong kaibigan ni Yuan na magiging partner ko ngayon.

"Black Spade, siya si *****"

Ang hirap banggitin ng pangalan niya kaya hindi ko maintindihan.

"Hi, Black Spade."

Nginitian ko na lang siya.
Maganda naman siya.
Actually maraming maganda dito sa party pero walang kumukuha sa atensiyon ko.
Pero kahit ganoon sinikap ko pa rin ma mag-enjoy.
Nakipagkuwentuhan ako.
Sumayaw.
Kumanta.

Pinili ko na maging masaya.

Pagdating sa bahay.

"Percy, ikaw ah. Hindi mo na talaga binitiwan si Mira. Wala tuloy nakasayaw sa kanya," sabi ni Yuan sabay siko pa kay Percy.

"Bakit may masama ba na siya lang ang isinayaw ko?" painosenteng tanong ni Percy.

"Hay, iba na talaga ang inlove!" sabay na nabanggit nina Yuan at Z.

How to Love a Super StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon