Teaser

554 12 2
                                    

Nagsimula ang lahat sa isang kasinungalingan--nang sabihin ni Daren Benjamin na gusto niya si Kimberly Santos.

Si Kimberly o Kim ay anak ng sikat na singer na si Reon. Tulad ng ama ay nais din niyang maging sikat, kaya pumasok siya sa VT Entertainment.

Dito niya nakilala ang top trainee na si Daren Benjamin.
Sa unang kita pa lang ay nagkagusto na siya sa lalaki--to the point na talagang naghabol siya rito, ngunit hindi siya nito gusto.

Mas bet ni Daren ang sikat nang singer na si Belle, pero dahil sa mga tulong sa kanya ni Kim ay nagpasya ito na ligawan siya.

Naging sila, pero mabilis din iyong natapos dahil hindi naman talaga totoo ang nararamdaman ni Daren para sa kanya.
Sa pagkawala ni Kim ay saka lang malalaman ni Daren na gusto pala talaga niya ito.

Sa kanilang muling pagkikita, sisikapin ni Daren na muli itong mapaibig, ngunit hindi iyon magiging madali.

Huli na ba ang lahat para sa kanila o isang kasinungalingan na naman ang muling uusbong?

This time, si Kim naman.
Si Kim naman ang magsisinungaling.

Author's Note

This story is based on my discontinued story, Dreamer.

Inspired by Bigbang and their song, Lies.

Medyo cliche ang plot, yes!
Pati ang way of writing, pero gusto ko kasi iyong ganitong style and story kaya naman isinulat ko ito para finally ay maalis na sa utak ko.
I hope bigyan n'yo pa rin ng chance.

This awesome Video trailer is made by @YourladyV ft Lee min ho and Yoon Eun Hye.

How to Love a Super StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon