Chapter 2 *The Lies Continue*

131 10 34
                                    

Kung meron akong bagay na hindi malilimutan sa High School, iyon ay ang garden kung saan madalas kong makita si Belle.

Kung meron akong bagay na hindi malilimutan sa High School, iyon ay ang garden kung saan madalas kong makita si Belle

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Hi Daren!" bati niya.

Napakaganda talaga niya. Mahaba ang mapupula niyang buhok. Maputi rin ang kanyang balat. Higit sa lahat ay nakakahalina ang kanyang mga ngiti.
Kung puwede lang sana na siya na lang ang maging girlfriend ko.

Kung puwede lang sana.

Lalapit na ako kay Belle nang biglang tumunog nang malakas ang cellphone ko.

Biglang nawala si Belle.
Bigla na rin akong nagising.
Panaginip lang pala iyon. Isang magandang panaginip na nasira dahil sa tunog ng cellphone ko.

Sino ba itong tumatawag? 5am pa lang, ah.

Nagsalubong ang mga kilay ko nang makita ang pangalan sa screen.

Kabute.

Iyon ang pinangalan ko kay Kim dahil makulit siya at bigla bigla na lang ang pagsulpot.
Ano bang problema niya at tinatawagan niya ko ng ganito kaaga?

Sinagot ko ang tawag niya.
"Hello."

"Daren, Good morning! Nagising ba kita?"

"Oo."

"Ah. Sorry. Gusto ko lang itanong kung may request kang kainin kasi magluluto na ko."

"Kahit ano na lang," naiinis kong turan.

"Eh, iyong mga kaibigan mo? May gusto kaya sila?"

"Kahit ano kinakain ng mga iyon. Ah, si Percy mahilig sa Japanese food."

"Ah, sige magluluto ako noon!"

"Sige na, matutulog pa ako."

"Ok. Pasensiya na sa abala. Kita na lang tayo mamaya. I love you, honey!"

"Honey?"
Bigla akong natigilan.
Mayamaya pa ay napangiti.
Oo nga pala.
Sinabi ko na gusto ko siya.
Girlfriend ko na nga pala ngayon si Kim.

Kung sabagay, wala naman akong pag-asa kay Belle kaya okey na siguro si Kim. Maganda naman siya. Anak pa ng dati kong idol kaya okey na iyon.
Hindi na ko talo.

Pumikit na uli ako, pero hindi na ako makatulog. Bumangon na lang ako at naghanda sa pagpasok sa VT Entertainment.

Malapit na ang debut namin kaya matindi talaga ang ginagawa naming training.
Kailangan maging handa para hindi mabalewala ang halos pitong taon kong pinaghirapan.

Isang taon akong solo trainee.
Sa ikalawang taon ko ay nakasama ko si Percy. Sa ikatlong taon ko sa VT binuo ang grupo namin.

***

"Wow! Mukhang masarap!" bulalas ni Jao nang makita ang mga pagkain na dala ni Kim.
Break time namin nang pumunta siya sa aming studio.

"Ito ang sa inyo." Ibinigay ni Kim ang tig-iisang lunch box sa mga kasama ko. "Kay Daren 'to." Iyong mas malaking box ang ibinigay niya sa akin.

How to Love a Super StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon