03

1K 16 5
                                    

Nina Pascua
09*********

Nina
Hoy bes!!
Ano kamusta ka riyan sa Manila?
Maganda ba?

Alya
Oo sobrang ganda rito, ang daming matataas na building. Hula ko ay mga kompanya at mga condominiums ang mga iyon.
Mayroong ring mga naglalakihang mall at supermarket

Nina
Ako kaya ay kailangan makakatapak dyan sa Maynila.
Marami bang pogi diyan Alya? Hahahaha

Alya
Ano bang klaseng tanong yan.
Hindi ko alam kung meron hindi pa naman ako lumalabas

Nina
Tiyak ay marami dyan, lalo na sa eskwelahaan mo. Mga gwapong mayayaman tulad ng mga nababasa ko sa kwento

Alya
Paano ka nakakapagbasa eh hindi ka naman mahilig sa libro, kulang na lang itapon mo.

Nina
Girl! Nasa 21st century na tayo. May mga application na na pwedeng idownload sa cellphone mo
Bumili ka na kasi ng touch screen mo para makabasa ka rin.

Alya
Alam mo namang wala akong pambili. Eto ay regalo sakin ni tatay noong graduation natin ng grade ten

Nina
Edi magpabili ka sa auntie mo, piso lang nila yon

Alya
Nakakahiya naman na, sila na nga nagpapaaral sakin ayoko ng humingi pa ng kung ano ano

Nina
Kakailanganin mo naman yun sa eskwela

Alya
Pag-iipunan ko na lang siguro

Nina
Paano?

Alya
Syempre hahanap ako part-time job ko.
Pwede naman na at disotso na ako

Nina
Ay nako pinahirapan mo lang sarili mo

Alya
Titiisin ko Nina, para sakin naman to. Ayoko magwaldas ng pera

Nina
Ay nako oo na. Pahinga ka na riyan.
Balitaan mo ako bukas ha? Kung maraming pogi magreto ka sakin hihi
At siguro ay dyan mo na mahahanap ang future mo girl! Sa ganda mong yan? Tiyak magkakandarapa sila sayo

Alya
Enrollment ang ipupunta ko roon Nina
At bata pa tayo, unahin mo muna pag-aaral mo
Marami pang lalaki riyan sa deserving sayo
Mas priority ko muna ang pag-aaral ko. Sagabal lang sa oras ko iyang mga lalaking yan

Nina
Eto talaga ang seryoso. Enjoy-in mo naman kabataan mo!
Mag-iingat ka riyan ha? Miss na kita.

Alya
Ingat ka rin dyan. Miss you too Nina

Found My Love In Metro (Metro Series #2)Where stories live. Discover now