24

451 9 10
                                    

Messenger
STEM- SeaHawks

Dylan
4PM practice. Gym.

Theo
Cap akala ko roon ang practice ng mga candidates for Intramurals?

Dylan
Doon nga.

Axl Kye
Sisilay na naman yan, Cap. Hahaha😆

Theo
Tanga! Hindi. Nagtatanong ng maayos eh

Dylan
Doon naman sila sa parang stage doon kaya hindi tayo masasagabal.

Theo
Sige, Cap. Salamat.

Dylan
Ang malilate daw sabi ni Coach ay may 10 laps sa field.
4PM sharp.

Mckenzie
Si Theo baka kung saan saan naman magpupunta.
Tali mo na yan sa bewang mo, Axl.

Axl Kye
Pwede rin tol. Ako yung amo niya, tapos siya iyong alaga kong unggoy.
Kamukha niya naman eh haha

Theo
Siraulo talaga 'to! Mamaya ka sa akin, Axl.
Wag kayong mag-alala wala na akong business ilang linggo na

Dylan
Buti nga naisipan mong tigilan.

Flynn
Hindi niya naman tinigilan, Cap.
Baka nga patago niyang ginagawa kaya hindi namin alam haha

Theo
Hoy! Wala na talaga Cap ha.
Eh kasama niyo naman ako lagi mga ungas
Pass na talaga

Jacob
Ano yan kukunin ka na ba ni San Pedro kaya nagbabagong-buhay ka na?
Iba ka rin haha!

Elias
Ubos na points niyan sa langit

Isaiah
Ayaw ata sa empyerno talaga kaya nagbabago pa siya haha

Theo
Mga siraulo! Hindi pa niya ako pwedeng kunin
Buti sana kung naparami ko na ang lahi ko eh hindi pa. Kailangan ko munang ikalat ang magandang lahi ko bago niya ko pwedeng kunin

Axl Kye
Yan! Dyan ka magaling sa kabulastugan mo.

Theo
Totoo naman! Hindi pwedeng mawala ang magandang lahi ko sa mundong ito 😆

Axl Kye
Sus? Anong maganda yang pa fling fling mo? Nako!

Mckenzie
Edi bumuntis ka oh edi pwede ka na mawala hahaha

Theo
Gago

Elias
Takot lang niya sa Mommy niya. Baka mapalayas pa ng wala sa oras hahaha

Theo
Wala hindi pwede yang bubuntis agad!
Ang sabi ko nga, ang bubuntisin ko yung taong papakasalan ko na.
Iyong huling makakasama ko na 😉

Dylan
May mauuto ka naman ba?

Flynn
Hahahaha

Theo
Ouch, Cap! Medj nahurt ako.
Darating din yan, Cap. Hindi naman ako nagmamadali.

Axl Kye
Baka nga lahat umayaw na sayo haha

Theo
Kapal mo bwesit ka! Mafriendzoned ka sana 😏
Pero sana kung meron man, edi mas okay.

Elias
Sabi mo nga eh isang araw ay may tatanggap rin sayo kung sino ka.
Wag ka na magdrama!

Theo
Sana nga🙂 Kung wala andyan naman si Axl kung sakaling mafriendzoned siya
BWAHAHAHAHA

Axl Kye
Bwesit ka! Mabaog ka sana.

Theo
Wag ganun. Bibigyan ko pa ng isang dosenang apo si Mommy hahaha

Isaiah
Tapos lahat panganay haha

Flynn
Pwede kahit ilan basta wag mo kami kukuning ninong!

Theo
Mga barat 😏

Seen by everyone



Found My Love In Metro (Metro Series #2)Where stories live. Discover now