04

864 13 1
                                    

Auntie
09*********

Auntie
Good morning, Alya.
Pakihintay mo na lang ang iyong pinsan dyan sa bahay dahil nasa trabaho na kami ng iyong Uncle.
Pinaghanda ka na rin ni Manang dyan ng iyong almusal.

Alya
Magandang umaga po, auntie.
Nag-abala pa po kayo, kaya ko naman pong maghanda ng almusal ko.

Auntie
No, we insist. Para hindi na rin masayang ang oras mo.
Antayin mo na lang dyan si Jamie.

Alya
Asaan po siya auntie?

Auntie
Ah! Manggagaling pa siya sa kanyang condo.
Sabi niya ay sasamahan ka niya at itotour sa eskwelahaan mo.

Alya
Nakakahiya naman po. Naabala pa siya.

Auntie
She volunteered so that's not a problem Alya.

Alya
Sige po, Auntie. Thank you po.

Auntie
At oo nga pala, iniwan ko kay Manang ang cellphone na binili namin para sa iyo.

Alya
Auntie sobra sobra na po iyon. Pwede ko naman pong pag-ipunan ang pagbili nun.

Auntie
Regalo namin sa iyo ang cellphone na yun Alya. Magagamit mo naman sa eskwela mo.
At paano mo naman iyon pag-iipunan?

Alya
Hahanap po ako ng part-time job

Auntie
No, you can't do that. Pumunta ka rito para mag-aral hindi para magtrabaho, Alya. Kami ang bahala sa lahat ng kailangan mo.

Alya
Pero Auntie kaya ko naman pong pagsabayin, para rin po may maipadala ako kanila Nanay kahit paano.

Auntie
Don't worry about them, tinutulungan rin naman namin sila

Alya
Sige na po, Auntie. Pangako po na hindi ko pababayaan ang pag-aaral ko.

Auntie
Jusko kang bata ka.
Basta siguraduhin mo lang na hindi nakakasagabal iyan sa pag-aaral mo.

Alya
Syempre naman po. Wag po kayo mag-alala
Salamat po.

Found My Love In Metro (Metro Series #2)Where stories live. Discover now