119

358 9 1
                                    

Messenger
Nina Pascual

Nina
Ayos ka lang?
Bakit biglaan ang uwi mo? Punta ako dyan ah.

Alya
Syempre bakasyon na edi babalik ako rito.
Ayos lang ako, Nina. Wag kang mag-alala.

Nina
Totoo yan? Edi sana masaya ka? Bakit ganun mukha mo? Namumutla ka tapos iyong mga mata mo magang-maga.
Sabihin mo nga sa akin, anong problema?
May problema ba kayo ni Theo? Nag-away ba kayo?

Alya
We broke up. Wala na kami, Nina.

Nina
Anong wala na? Seryoso ka ba? Paanong? Anong nangyari?

Alya
Engaged na si Theo at ni Jamie.

Nina
Jamie? Iyong pinsan mo?
Hoy!

Alya
Oo, sino pa nga ba.
Harap harapan nga iyong announcement ng engagement nila. Naroon ako kita at rinig ko lahat.

Nina
Gaga? Paanong engaged? Girlfriend ka niya diba?
Ang gago naman yan, bakit hindi lang niya pinigilan? Bakit pati iyong pinsan mo wala man lang ginawa?
Eh alam niyang may relasyon kayong dalawa ni Theo.

Alya
No choice raw si Theo. Wala siyang choice kundi gawin yun.  Para sa kompanya nila, para sa pamilya nila.

Nina
Tanginang marriage for convenience na yan. Nakakasuka🤮
May martyr pala akong kaibigan, nagawa pang pumalakpak sa engagement ng boyfriend niya sa ibang babae👏

Alya
Anong gusto mo? Umiyak ako roon? Durog na durog na nga ako, ayaw ko nang ipahiya pa ang sarili ko.

Nina
Nagkausap na ba kayo?

Alya
Oo. Tinanggap ko na lang rin. Wala naman na akong magagawa. Wala naman akong maipagmamalaki.
I just wished them their happiness.
Magiging okay rin ako wag kang mag-alala.

Nina
Hays. Punta ako dyan, yakapin kita mahigpit 🥺🤗

Alya
Dalian mo na hahahaha

Nina
Paano sa college doon ka pa?

Alya
Hindi na siguro. Tatanggapin ko na iyong alok ng agency sa modelling. Baka magtatrabaho muna ako, tapos kapag nakaipon, magtutuloy ako ng kolehiyo.

Nina
Paano iyong pangarap nating kolehiyo sa syudad?

Alya
Mangyayari iyon sa akin, siguro hindi nga lang ngayon.
Susuportahan pa rin naman kita.

Nina
Kaya mo yan, andito lang rin ako para sayo.
Alam kong malakas ka Alya pero okay lang na magpakita ng kahinaan minsan.
Okay lang umiyak, parte yan ng buhay. Andito lang kami. Marami pa kaming nagmamahal sa iyo.

Alya
Maraming salamat, Nina.

Nina
Wala iyon.
Nagsisi ka ba na minahal mo siya?

Alya
Hinding-hindi ako nagsisisi.
Iyong mga araw na kasama ko siya ay iyong mga araw na pakiramdam ko, kompleto iyong pagkatao ko.
Iyon iyong masasayang araw sa buhay ko bukod sa kasama ka pati ang pamilya ko.
Kaya wala akong pagsisisi. Kasi sa isang taon namin, hindi naman siya nagkulang sa pagpaparamdam ng pagmamahal niya sa akin. Higit pa sa inaasahan ko ang ginawa niya para sa akin.
Theo's the best. But I guess everything happens for a reason.
Maybe this time is not yet for ours.
And if I have a given a chance to be with him again, I'll still choose him. Ganoon ko siya kamahal.
Pero iyong pagmamahal ko, hindi pa pala sapat para manatili siya sa akin.
Kaya sana kapag may isa pang pagkakataon na ibibigay para sa amin, sana.. sana sapat na iyong pagmamahal ko para manatili siya. Sana sa pagkakataon na iyon, sapat na iyong pagmamahal ko para ako naman iyong piliin niya.

Sent

Found My Love In Metro (Metro Series #2)Where stories live. Discover now