52

407 13 1
                                    

A L Y A  C A L I S T A  R A M I R E Z


Kinabukasan ay sinundo ako ni Keanu sa bahay nila Auntie gamit ang kaniyang sasakyan. Ilang beses ko na siyang pinilit na mag-commute pero tumanggi siya, kaya sumang-ayon na rin ako. Mabuti nga at masipag siyang mag-drive nang sa ganoon ay makaiwas kami sa traffic at makarating agad sa Batangas.

It’s been six months since I left my hometown, and it feels like a decade. Sa anim na buwan ko rito sa siyudad ay hindi ko masasabing nakapag-adjust na ako kaagad. Naroon pa rin iyong kaba na nararamdaman ko sa tuwing may makakasalamuha akong ibang tao. Naroon rin iyong takot, takot na mahusgahan sa mga bagay na nakasanayan at nakalakihan mo. Mabuti nga at may ibang tao akong nakilala na naging mabuti at tinanggap ako kung sino ako. Isa na roon si Keanu. He’s been a good friend to me since the beginning. He helped me adjust here in metro and made my life easier. That’s why I decided to take him to my hometown as my treat to all the good things he did for me.

“Matulog ka muna Alya, mahaba pa naman ang ibabiyahe natin.” Saad niya ng makaupo na siya sa driver’s seat at inuumpisahan ng imaneho ang sasakyan.

“Huwag na. Ayos lang, nakakahiya kasi at tutulugan lang kita. Baka antukin ka rin.” Sagot ko. Siya naman ay napatawa sa naging sagot ko.

“You know what, it’s no big deal. Sanay na ako sa ganito.” I just nodded with what he said and smiled. Dahil nga sa inaantok ako talaga ay ipinikit ko na rin ang aking mga mata, until I dozed off to sleep.

Hindi ko alam kung ilang oras ang naitulog ko dahil nagising na lang ako dahil may yumuyugyog ko sa balikat ko. Nang iminulat ko ang aking mga mata ay nakita ko si Keanu na sobrang lapit na sa mukha kaya’t bigla na lang ako napaatras at kaagad na nahiya.

“We are here. I just followed the direction that you’ve told me.” Ani niya. Tumango naman ako bilang sagot. Lumabas na siya sa sasakyan para kunin ang mga gamit naming dalawa. Ako naman ay naiwan muna sa loob ng sasakyan para ayusin ang mukha ko. Nakakahiya baka may muta ako, malapit pa naman siya kanina.

Pagkalabas ko sa sasakyan ay sumalubong sa akin ang katamtamang sikat ng araw, preskong hangin, at ang huni ng mga ibon sa himpapawid. Inilibot ko ang aking mata sa paligid, ganoon pa rin at walang masyadong nagbago. Ibang-iba talaga ang lugar na ito sa lahat. Kahit saang lugar man ako pumunta, alam ko sa sarili ko na babalik at babalik ako rito.

“This place is just like a paradise.” Saad ni Keanu na nagpabalik sa akin sa katinuuan. Hindi ko namalayan na nasa tabi ko na pala siya at inililinga rin ang paningin sa paligid. Napangiti ako sa kanyang sinabi.

“It really is.”

“I didn’t know that there’s such a place like this. Did you grow up here?” Tanong nito sa akin habang tuloy pa ring namamangha sa kaniyang nakikita.

“Oo rito ako lumaki. Tuwing umaga, araw-araw kong nasasaksihan ang pagsikat ng araw, ganoon rin sa paglubog nito. Nasasaksihan ko rin ang mga payapang alon ng dagat araw-araw. Masuwerte nga ako’t hindi na ako magpupunta sa ibang lugar para makakita ng dagat dahil araw-araw nasa harapan ko lang ito.” Mahabang paliwanag ko sa kanya habang inaalala ko ang mga araw na narito ako, uupo ako sa ilalim ng puno ng niyog at pagmamasdan ang kapayapaan ng aming lugar.

“ I suddenly envy you with that. All I can see every day is the traffic along the streets, busy people. And all I can hear is the sound of cars passing by.” Natatawang kwento ni. Napatawa rin ako sa kaniyang sinabi.

“Siguro nga ganoon talaga. Lumaki man tayo sa iba’t-ibang lugar, isang araw ay mahahanap rin iyong lugar na mamahalin natin. The place where we can find our peace and safety. At para sa akin, iyong lugar na iyon ay itong lugar namin.”

Found My Love In Metro (Metro Series #2)Where stories live. Discover now