33

397 8 0
                                    

IMessage
09*********

Unknown Number
Congratulations, Alya.
Hindi nagkamali si Jamie sa sinabi niyang napakaganda at napakagaling mo.

Alya
Thank you. Sino po sila?

Unknown Number
Ako iyong kasama ni Jamie kanina.
Isa ako sa mga talent scouts sa agency na kinabibilangan niya.
Did you already made your decision about my offer?

Alya
Hindi pa po ako nakapag-decide.
At tsaka wala po akong ni isang ideya tungkol po sa mga gagawin roon. At kung sakali man po ay magpapaalam muna po ako sa mga magulang ko.

Unknown Number
Mabuti nga at pag-isipan mo yan ng mabuti.
Magandang opportunity ito para sayo lalo na at iyang mukhang yan ay swak sa indutriyang ito.
Maniwala ka at sisikat ka. Konting practice lang at kayang-kaya mo na iyon.

Alya
Salamat po.

Unknown Number
I'll get back to you once you have decided.

Messenger
Keanu Reagan

Keanu
Congratulations, Alya! You deserved it.

Alya
Salamat, Keanu. Congrats din sayo😊
Hindi ko nga inaakalang maipapanalo ko iyon.
Grabe iyong kaba ko kanina pagtapak ko ng entablado tapos kaharap iyong maraming tao.

Keanu
Pero diba nakaya mo pa rin. We're proud of you.
Sikat ka na ngayon haha

Alya
Ang dami nga kaninang sumisigaw ng pangalan ko.
Hindi ko inaakalang ganoon karami ang susuporta sa akin. Sobrang sarap sa pakiramdam na mayroong mga taong naniniwala sa kakayahan ko🥺

Keanu
You deserved everything! You're so genuine and pure that's why I admire you for that😊

Alya
Salamat talaga ha?

Keanu
No worries
Anyways, I heard that they're offering you in our agency?

Alya
Ah oo. Tinatanong nga ako kung nakapag-decide na ako eh.

Keanu
How's it?

Alya
Hindi ko pa rin alam. Kinakabahan ako.
Iniisip ko rin sila Nanay at Tatay kung papayagan ba nila ako

Keanu
Wala namang pumipilit sayo. If you're not yet ready and uncomfortable, there's nothing wrong on declining them.
They'll understand your decision

Alya
Siguro nga hindi pa ngayon iyon.
I need to build my confidence first.

Keanu
That's it! Hihintayin ka namin sa agency.

Alya
Salamat😊 Sana sa araw na handa na ako, nariyan pa rin iyong opportunity na iyon.

Keanu
Of course. There's a lot of opportunities for you, Alya😊

Delivered

Found My Love In Metro (Metro Series #2)Where stories live. Discover now