38

412 7 0
                                    

Messenger
Nina Pascua

Alya
Nakakainis! Kailangan ko na namang magpapalit ng sched sa trabaho ko

Nina
Oh bakit parang stress na stress ka?
Anong nangyari sayo?

Alya
Eh kasi kanina may isang grupo ng estudyante, mukhang mayayaman. Apat na lalaki,apat na babae
Tapos iyong isang lalaki sulyap ng sulyap sa akin nung nasa counter ako.
Nakakaasiwa

Nina
Baka type ka? Yiee taray lumalove-life

Alya
Mukha siyang manyak sa ginagawa niya

Nina
Pero pogi ba naman ba?

Alya
Bakit kailangan pang sagutin kung pogi ba? Basta nakakainis siya.

Nina
Aba sagutin mo na lang! Ano pogi ba?

Alya
Oo
Pero mukhang mayabang tsk
Yung itsurang yun, mukhang playboy

Nina
Type ka siguro hahaha
Tsaka judgemental nito, hindi mo pa nga kilala sasabihin mong playboy agad

Alya
Nasa aura niya kasi tsk
Buti ba iyong kasama niyang isa tahimik

Nina
Sus edi tinitignan mo rin pala pati kasi kasama niya napansin mo
Ikaw ha?

Alya
Anong tinitignan? Hindi ah.

Nina
Ayos lang yan Alya. Normal lang magka-crush

Alya
Paano mo nasabing crush ko? Hindi ah
Never ako magkaka-crush sa tulad nun

Nina
Kakainin mo rin yang sinabi mo, sana hindi ka mabulunan

Alya
Hindi nga! Never. Parang hindi ako komportable sa existence niya.

Nina
Edi may effect pala siya sayo naks
Hindi ka naman ganyan sa ibang lalaki

Alya
Kaya nga eh ngayon lang ako naging ganito
Hindi ko kasi maintindihan

Nina
Deny ka pa kasi diyan. Susuportahan naman kita sa panlalandi mo😆

Alya
Hindi ka rin matino kausap noh?

Nina
😂

Seen

Found My Love In Metro (Metro Series #2)Where stories live. Discover now