10

615 9 1
                                    

Messenger
Nina Pascua

Nina
Hoy pasukan mo na bukas ah
Good luck marecakes! Mag-iingat ka roon.
Alam ko naman na kayang-kaya mo yan! Sa talino mong yan? Who you sila hahaha

Alya
Salamat. Ikaw rin.
Hindi naman. Ang papasukan ko ay hindi tulad dyan na kakaunti ang estudyante. Dito ay nanggaling pa sa naglalakihang unibersidad at naroon ang mga estudyanteng matatalino talaga.

Nina
Kailangan mo lang magtiwala sa sarili mo, kaya mo ang mga yun!

Alya
Sana nga.

Nina
Oh eh bakit parang hindi ka excited sa pasukan mo?

Alya
Eh paano ako maeexcite eh hindi ko alam gagawin ko, paano kung maligaw ako Nina?

Nina
Hindi ka niyan maliligaw, sasamahan ka naman yata noong pinsan mo?

Alya
Oo ang sabi ni Auntie dadaanan niya raw ako dito bukas si Jamie.

Nina
Oh edi mabuti yan
Nakakagana kaya yung ganyan, araw-araw kang gigising para pumasok sa isang sikat na paaralan.

Alya
At tsaka ang mga paaralan ay pare-pareho lang, nasa iyo na iyon na papasok. Mapasikat man yan o hindi.
Tapos mahihirapan din ako at wala akong kakilala

Nina
Syempre makikipagkilala ka
Dzuh kailangan mo rin ng bagong kaibigan diyan
Syempre wala ako

Alya
Ang hirap kaya humanap ng totoo at tapat na kaibigan ngayn Nina

Nina
Meron at meron yan. Basta pag may problema ka ichachat mo lang ako ha?

Alya
Ikaw rin. Sige na at matutulog na ako, may orientation pa kami bukas ng maaga

Nina
Taray orientation, dito sa atin flag ceremony lang HAHAHA
Bigtime ka na talaga!

Alya
Baliw ka ngang talaga.

Nina
Mag-aannounce lang naman ang gagawin nila dyan sa orientation niyo. Tapos iwewelcome lang mga new students

Alya
Ayon rin ang sabi ni Jamie kaya kahit hindi ka raw pumasok ng maaga doon

Nina
Eh di magpalate ka na lang hahaha

Alya
Ayoko nga, maglilibot libot na lang ako ako roon para makabisado ko

Nina
Ang swerte mo talaga.
Basta pag may oras ka, bumisita ka rito

Alya
Syempre naman. Baka sa bakasyon ay nariyan ako.

Nina
Oh sige na! Matulog ka na, alam kong excited na excited ka na para bukas

Alya
Baka nga hindi ako makatulog nito
Iniisip ko kung anong mga klaseng estudyante mga naroon.

Nina
Kapareho mo lang naman silang tao, pareho rin kayong nilalanghap na hangin hahaha
Yung iba nga lang masasahol ang ugali, ayun difference niyo😆

Alya
Ayun nga eh, sana naman at hindi ganoon mga kaklase ko

Nina
Oh siya, good night na😊

Alya
Good night
👍

Seen

Found My Love In Metro (Metro Series #2)Where stories live. Discover now