86

294 7 0
                                    

Messenger
Nina Pascua

Nina
Merry Christmas, Alya!
Pakiabot na rin ang pagbati ko kay Tito at Tita hehe

Alya
Maligayang Pasko rin sa inyo!

Nina
Saan ang balak mo mamayang mag-uumaga?

Alya
Hmm ang sabi nila Nanay eh pupunta raw kami ng simbahan para magsimba.
Kayo ba?

Nina
Ganoon nga rin kami
Magkita na lang tayo roon, pagkatapos ay mamasyal tayo.

Alya
Oh sige, ang alam ko eh first mass raw kami a-attend.

Nina
Sige ayun na lang ang sasabihin ko kanila Mama.
Ang dami mong kwento sa akin bukas ha! Hindi kita tatantanan

Alya
Nagkukwento naman ako palagi sayo haha

Nina
Ang gusto kong marinig na kwento eh iyong tungkol sa inyo ni Theo
Jusko ka! Ano may improvement na ba sa inyo? Nanliligaw na ba siya sayo?

Alya
Ano ka ba, bakit naman siya manliligaw sa akin

Nina
Oh bakit hindi? Eh mas malinaw pa sa tubig dagat na may gusto sa iyo iyong tao
Sobrang manhid ka naman

Alya
Magkaibigan lang naman kami tsaka wala siyang sinasabi

Nina
Magkaibigan? Nako hindi na ako naniniwala diyan, halos lahat ng sinasabing magkaibigan nagkakatuluyan lang rin
Tsaka anong walang sinasabi? Try mo rin kayang makiramdam

Alya
Ayos na ako sa kung ano kami ngayon

Nina
Bakit, wala ka bang gusto sa kanya?
Umamin ka

Alya
Hmm hindi ako sigurado
Pero kapag andiyan siya sa tabi ko pakiramdam ko ligtas ako sa lahat
Kapag nariyan siya ramdam na ramdam ko na hindi ako nag-iisa
Siya iyong tao maliban sa inyong mga kaibigan ko na laging naka-suporta sa akin.
Sobrang saya ko kapag alam kong makikita ko siya, para ngang siya na iyong kumukompleto sa araw ko
Sobrang gaan sa pakiramdam kapag kasama ko siya

Nina
Woah! Speechless ako dzai
Mukhang inlove na inlove ka na sa kanya hahaha

Alya
Crush lang naman siguro, grabe naman iyong inlove kaagad eh iilang buwan pa lang kami magkakilala

Nina
Wala naman yan sa tagal niyong magkakilala. Anong crush? Hindi na kayo mga kinder na tumutulo ang sipon
Hahayaan na kitang ma-realize mo iyang mararamdaman mo.
Ngayon in-denial ka lang, dahil ngayon mo lang iyan naramdaman haha

Alya
Hahaha basta ayos na ako sa kung anong meron kami
Basta nagkakasundo kami

Nina
Eh paano kapag nanligaw siya sayo? Papayag ka ba?

Alya
Hmm siguro hindi ko alam

Nina
Ang gulo mo
Sige basta magkita na tayo mamaya
Maligayang Pasko ulit
Sana sa bagong taon, malaman mo  na yang nararamdaman mo haha

Alya
Baliw ka talaga
Mamaya na lang, matutulog muna ako

Seen

Found My Love In Metro (Metro Series #2)Where stories live. Discover now