107

278 7 0
                                    

Messenger
Nina Pascua

Nina
February na hoy!

Alya
Ano naman ngayon?

Nina
Baliw ka talaga.
Syempre malapit na ang hearts day ano ka ba, para kang bago bago lagi sa mundo😬

Alya
Normal na araw lang naman iyon, may pasok nun hahaha

Nina
Hindi iyon normal na araw sa iyo.
Syempre may manliligaw ka and soon to be boyfriend.
Niyaya ka na ba niya? Date ganun?

Alya
Wala pa naman kaming napag-uusapan na dalawa.
Besides, busy kami sa school. Maraming deadlines ang hinahabol lalo na palapit na palapit na naman ang finals.

Nina
Grabe napakasipag niyo namang dalawa.

Alya
We just know our priorities. Tsaka ayos lang naman sa aming dalawa ang ganito🙂

Nina
Nag-uusap pa ba kayo? Lumalabas ganoon?

Alya
Syempre naman. Pero hindi madalas. Lumalabas kami ng weekend lang pero ayos lang naman. Nagkikita rin paminsan minsan sa campus.

Nina
Oh bakit hindi ka pa niya inaaya? Kupad naman ng manok ko🤨

Alya
Ayos lang naman sa akin iyon. Hindi naman required ang date sa Valentine's day diba?

Nina
Hindi nga required pero mas okay yung maranasan mo kasama ang taong gusto mo.
Syempre memorable yan sa iyo, first time eh🤩

Alya
Siya siguro ilang beses nang may ka-date every Valentine's kaya hindi na bago sa kanya ito.
Kaya wala rin siguro sa isip nya

Nina
Nako wag kang mag-isip ng ganyan. Syempre sayo, special kasi mahal ka niya.
Basta chill ka lang, baka may nakahandang surprise iyon sa iyo
Though araw araw ka naman niyang nasusurprise hahaha

Alya
Hahahaha siraulo ka talaga
Pero okay lang talaga sa akin🙂

Nina
Oh wag ka umiyak mahal ka nun HAHAHAHA

Alya
Hindi ako umiiyak siraulo ka
Nga pala, kamusta na kayo dyan?

Nina
Ayos na ayos kami rito, wag ka mag-alala masyado😁

Alya
Malapit na ang bakasyon, sana makapagbasyon uli ako dyan

Nina
Hihintayin ka namin.
Sana pagbalik mo rito, jowa mo na si Theo😏😆

Alya
Tignan natin haha

Nina
Taray gumaganyan ka na ngayon.
Kumi-keep up ka na ghorl?

Alya
Para hindi naman mapang-iwanan😅

Nina
Tama yan tama HAHAHAHAHA
Wag lang sumobra

Alya
Baliw

Seen

Found My Love In Metro (Metro Series #2)Where stories live. Discover now