Then i'll stay

966 55 5
                                    

Jema

Habang nagkukwento si deanna ay tahimik lang ako na nakikinig sakanya. habang nagsasalita siya ramdam ko ang lungkot at sakit sa boses niya at kahit na sabihin niya na naka moved on na sya ki anna alam kong kahit papano ay may sakit pa rin na naiwan sa puso nya. Hindi ako love expert pero hindi naman ako manhid para hindi maramdaman ang lungkot ng ibang tao.

katulad nalang kanina habang nagdidinner kami kasama ng ex sya, nang makita kong may kausap sya sa labas ay napansin ko na hindi sya mapakali kaya lumabas na ako para tawagin sya at mabawasa kung ano man ang nararamdaman nya. naramdaman ko rin na may something sa kanya at nakita ko sya nakatingin sa dalawa na nakangiti pero may lungkot ang kanyang mga mata. don ko nasigurado na may nakaraan sila pero ang hindi ako sigurado ay kung sino sa dalawa.

kaya nong nagtanong si anna kung kami ba at nagulat si deanna ay hindi na ako nagdalawang isip na magsinungaling. hindi naman masama yon di ba? gusto ko lang tulungan si deanna sa paraang alam ko.

Alam kong kukomprontahin nya ko pag dating sa sasakyan kaya inihanda ko na ang sarili ko. naisip ko rin na alamin kung ano man ang nangyare sakanila pero hindi ako mamimilit, hihintayin ko na kusa syang magkwento. kaya napangit ako ng lihim ng sabihin niya sa akin na ex nya nga ang isa sakanila. si anna. Hindi ako nagulat kong babae ang ex nya, hindi naman makitid ang utak ko para hindi maintindihan yon. kaya mas lalo akong natawa nang  pumayag sya magkwento pa, kaya inaya ko sya sa tahimik na lugar at nakakarelax.

Ang hindi ko lang maintindihan ay ang dahilan nya kung bakit niya nagawa magsakripisyo. Dahil sa ang haba ng kwento nya ay nakatatlong bote na ako ng beer at hindi ko maiwasang gumalaw ang kamay ko papunta sa ulo nya.

"ARAY!!" reklamo nya habang hinihimas ang ulo nya na binatukan ko.

"tama lang yan. ang tanga mo e.!" nababangot kong sabi.

"at bakit? sakit ah!" pagalit nyang sabi.

"mahal mo yong tao tapos ano? pinamigay mo lang? ha? alam ko ang bait mo pero ung isasacrificed mo yong sariling kaligayahan nang hindi man lang lumalaban! ano yon?!" mahaba kong bulyaw sakanya.

nang babatukan ko ulit sya ay nakaiwas naman to sinamaaan ako ng tingin.

"sumusobra kana jemalyn ahh."

"e ang tanga mo talaga kasi e."

napansin kong nagbago ang expresyon ng muka nya at naging seryoso ulit.

"i din't fought for us dahil alam kong talo ako. naramdaman kong mas mahal nya si louigi and masaya sya. handa ako magparaya para makita lang syang masaya. kaya,  bakit pa?"

pasimple niyang pinunasan ang mga luha nya at malungkot na lumingin sakin habang nakangiti.

nararamdaman ko yong sakit, nararamdman ko na kahit sabihin nya okay na sya ay hindi ako naniniwala. pero alam ko rin na papunta na sya don. konti nalang. mawawala na rin yong natitirang sakit. Kaya gustong gusto kong magopenup sya dahil diyan.

"Pero pano ka?"

"Masaya ako na masaya sya."

"ganon ka kamartir?" pabirong sabi ko

"yea maybe.."

Walang nagsalita saming dalawa ng ilang minuto, nakakabinging katahimikan at nakatingin lang kami pareho sa city lights nang buong manila. ninanamnam namin ang sariwang hangin habang patuloy na umiinom at nagpapakiradaman kung sino ang unang magsasalita.

Maya-maya ay may biglang pumasok sa isip ko at tinanong sakanya.

"what if." panimula ko " magmahal ka ulit,  ganon ba ulit ang gagawin mo?"

After Sacrifice (Jedean)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon