Missing

2.1K 78 2
                                    

Jema

"so ayon pala nangyare.. Hmm ikaw naman kasing babae ka hindi ka marunong makiramadam pag-naiinis ka. May problema na nga si ate girl tapos pinaglaruan mo pa. Tsk bad yon. " pangugunsensya sakin ng magaling kong bff.

"it's not my intention naman na maging ganon, diba alam mo naman kung ano ugali ko pag-naiinis ako, saka malay ko ba na matatakutin sya. " pagpapaliwanag ko na naman ulit sa kanya

Nandito kami ulit ni kyla sa DJ's cafe,  dito na kami pumunta after ng work namin At kinwento ang buong nangyare 6 months ago. Nagulat nga ako kasi ang tahimik niya habang nakikinig kasi knowing her palagi yang may side comment agad kahit hindi pa natatapos ang kwento.

"feeling ko lang friend ah, siguro heart broken yon.  Yong tipong iniwan, kaya siguro ganon nalang ang galit niya sayo nung pinaglaruan mo siya. "

"sabi na nga kasing hindi ko siya Pinaglaruan eeeeee! " ulit kong paliwanag saknya.

"okay-okay.  Kalma lang friend, ako lang to. Defensive masyado e.. Hahaha" pang-aasar niya sakin.

"ikaw kasi ang kulit mo. " naiinis na sabi ko sakanya.

"so kung hindi mo siya pinaglaruan,  e ano tawag sa ginawa mo?  Aber? "

"ano hmmm basta.  Wag mo na kasi itanong yon."

"o sya, bakit mo nalang siya hinalikan para madali mong masagot?." my ngiting nakakalokong tanong niya sa akin.

Natahimik at hindi agad ako naka sagot sa tanong niya kasi Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam ang dahilan at sagot sa ginawa kong paghalik sakanya. Siguro nga naawa lang ako sakanya non, oo yon lang yon at wala ng ibang dahilan pa. Masyado siya mahina,  dapat hindi niya pinapakita sa ibang tao na mahina sya dahil kung hindi niya itatago yon,  maraming mananakit sakanya. Ayokong nakakakita ng mga taong ganon kaya nong naramdaman ko ang sobrang kalungkutan at sakit na nararadaman niya, naawa ako sakanya there something inside of me na tumulak na gusto ko siyang yakapin because a hugs does so many things, it brings joy and comfort for those people who are in pain. Pero hindi ko alam kung bakit paghalik ang nagawa ko.. Tsk.

"oi nakatulala ka na naman diyan."

"huh?" hay hindi na naman namalayan na naka tulala na naman ako.

"oi jema napapadalas yan ah, wag mo na kasing masyadong isip si ate girl. Malala ka na.. Hindi na nga ako magtatanong kasi halata naman na kamanyakan lang talaga pinairal mo kaya ginawa mo yon.. Hahaha" dere-deretchong talak ng magaling kong bff.. Tsk

"sabi ng hindi ako manyak eeeee!! " dito talaga magaling tong bff ko,  ang mambully sakin. Kainis.

"hahaha oo na. Tara na nga at dumidilim na.. c pikon e. Hahaha" walang tigil nya po akong pinagtatawanan.

"tara! " pagalit kong sabi at tumayo para makaalis na.

"oi jema saglit hintayin mo naman ako.. Hahaha" habol niya sakin

"tse! Bala ka dyan. " mas lalo ko pang binilisan ang lakad ko para maiwan sya.

"hahaha si pikon talaga to,  binibiro lang naman kita.hahaha" patakbo siya lumalapit sakin kaya tumakbo na rin ako para di nya ako maabutan.

Para kaming mga batang naghahabulan habang papuntang parking area pero napahinto ako saglit dahil pakiramdam ko ay may nahulog akong kung anong bagay.

"jemaaaaa" nilingon ko sya at nung makitang kong papalapit na at dali dali ulit akong tumakbo at hindi na ako nag-abalang alamin kung ano man yong nahulog kung meron man.

----------

Kinabukasan ay maaga kaming umalis ni kyla para manuod ng laban ni cy malonjao, excited na kasi ako. Kahit puro reklamo etong kasama ko ay wala na siyang magagawa dahil my kasalanan p to sakin kahapon..

"haaaaay! Bat ba kasi kaylangan nating umalis ng maaga?? Inaatok pa ko e" walang tigil si kyla sa paghikab habang nagrereklamo.

"e kasi nga wala pa tayong ticket. Kaylangan natin makabili agad. " pagpapaliwanag ko na naman sakanya.

"kainis naman e,  ano ba kasing nagustuhan mo diyan ko cy na yon?  E puro laki laman naman ng katawan.. "

"pwede ba huwag mong ginaganyan si cy ko?! Saka alam mo naman dahilan e,  bat tanong kapa ng tanong. "

" eeeeee ang aga kasiiii. Anong oras ba laban niya? " eto talaga kaibigan ko parang bata.

"sorry na. Libre nalang kita ng lunch mamaya. " pamapalubag loob kong sabi sakanya,  nahiya naman kasi ako diba.

"sige sabi mo yan ahhh,  walang bawian"

"oo na.. PG ka e. " basta libre talaga mabilis mapaamo etong babaeng to. Haha

"so anong oras nga simula nyan? "

"wait check ko. Nasa planner ko un e"

Hinanap ko ang planner-journal ko sa bag para macheck ko na yong start ng laban para wala ng tanong tong kaibigan ko. kanina pa ako naghahanap sa bag ko pero bakit wala akong makitang planner-journal..

"asan na ba yon? " bulong ko sa sarili

"oi ano na? Anong oras ba?? " tanong ulit niya.

"sandali hindi ko mahanap yong planner ko"

Natataranta na ako kasi hindi ko makita yon, Nanlalamig na at kinakabahan na rin. Hindi pweding mawala yon.. Huhuh asan na ba kasi yon. Dito ko lang naman sa bag nilagay kahapon eee bat di ko na makita....

"anyare sayo?  Bat ganyan mukha mo?" nagtatakang tanong sakin ni kyla.

"hindi ko kasi makita yong planner ko ee"

"san mo ba kasi nilagay? "

"dito lang sa bag. "

"baka naman naiwan mo sa bahay nyo"

"hindi ko alam,  kasi hindi ko naman nilabas kagabi yon e.  Ang huling kita ko non nong nasa dj's cafe tayo kahapon e. "

"hmm pano na yan?? "

"hindi ko alam..huhu" naiiyak na ako sa pagkataranta.

"gusto mo bang bumalik sa bahay nyo? "

"e kung babalik tayo, baka di na tayo makaabot sa laban ni cy. "

"ikaw bahala, ang akin lang naman baka may ibang makabasa non kung talagang nawawala. "

Natigilan bigla ako sa sinabi ni kyla.  Tama baka nga may ibang makabasa non kung nawawala talaga yon. Patay.

"eeee kyla naman e, tinatakot mo naman ako. "

"hindi kita tinatakot,  nagsasabi lang ako ng mga possibilities kung talaga nawawala yon..baka mamaya, si ate girl pa pala makakuha non at nasabasa niya at nakilala ang babaeng nang manyak sak--aray naman jemaaaa" reklamo nya sa malakas n hampas ko sakanya.  Pano ang bastos ng bibig e.

"ikaw kasi kung ano-ano na naman sinasabi mo diyan! Hindi ka nakakatulong e " nainis na sabi ko sakanya. Tsk.

"hahaha oo na titigil na.. So ano nga gagawin mo??? "

"sige na ngaaa. Bumalik tayo sa bahay. " wala rin akong nagawa. Sana nasa bahay lng yon.






-----

Hi po sorry kung ntagalan ang update. Medyo nging busy po kc lately.. 😅

Happy 2k po readers😊😍 😘

After Sacrifice (Jedean)Where stories live. Discover now