J.M.Galanza

2.2K 83 1
                                    

"hmm hi ate?, favor naman oh please. " pagpapacute ko ki ate jovi.

"ano na naman yan huh? Ikaw ha inaabuso mo ang kabaitan ko at pwede ba itigil mo yang papacute mo, nakakakot ka. " umaktong parang nandidiri.

"ay ang arte ah. " natatawang sagot ko ate.

"ano? May sinasabi ka ba? " tingnan mo to si ate nagtataray na naman. Haha

"ah eh hehe wala po." pambabawi ko sa kanya kasi di ba nga humihingi ako ng favor. Nilapitan ko sya at niyakap.
"joke lang te, di kana mabiro eh"

"tseee! Tigilan mo ko"

"ee ate naman, labyo" sabay halik ko sa pisnge nya para lambingin, sigurado akong mamawala ang tampo neto..

"hay naku, so ano ba yong favor mo?? " walang nagawang saad niya

"yes! Payag kana ahh walang bawian" tuwang tuwa kong sabi ko ate

"sus, alam mo namang wala akong magagawa pagnaglambing ka na, Madaya ka e. " naka simangot na sabi nya.

"hehe malakas lang talaga ako sayo" i smile at her widely

"oo na.. Sige ano ba kasi yon? "

"yong meeting ko kasi bukas hmm baka pweding ikaw nalang Pumunta? Hehe " alinlangan kong sabi

"alam mo na mang may meeting rin ako bukas diba.."

"e ate hapon pa naman yong meeting mo, umaga naman yong akin e. Sige naaaa pleaseee" nagpacute ako na parang bata sakanya na hindi nya na matatanggihan.. Hahaha

"haizt yan ka na naman jema ahh"

"hehe basta te tomorrow morning sa DJ's cafe, pumunta na ako don kahapon kasama ko si kyla. Bigay ko sayo address mamaya." mahabang tugon ko ki ate habang naka ngiti saknya.

"bat ba kasi hindi ka pwede?? " medyo inis na tanong niya

"ate kasi bukas manunuod kami ni kyla ng laban ni cy so dapat hindi ako mawala don. " masayang paliwanag ko sa kanya.

"at bakit aber?, Girlfriend kaba? "

"eeeeee ate naman eh alam mo naman na super crush ko cy my loves e kaya wag kana magtanong dyan. Saka diba pumayag kana, wala nang bawian.. Hehe"

"hoy babae, wala akong sinabing oo. Nagtanong lang ako kung ano yung pabor mo.. " mataray na wika niya pero kahit nagtataray yan alam ko naman na payag na yan.. Hahaha

Lumapit ulit ako saknya at hinalikan sya sa pinge at sabay sabing "iloveyou ate jovi kahit makakalimutin ka. Haha swerte ko talaga sayo. Hehe" after kong sabihin yon ay dali-dali akong tumakbo palabas at sumakay sa sasakyan para takasan si ate. Mahirap na, baka biglang magbago isip niya.. Hehe

"ateeee baka malate ka paghindi kapa umalis ngayon" sigaw ko ng malakas saknya habang patawa tawang umalis sa bahay.

Ang bait talaga ng kapatid ko kaya mahal na mahal ko yon e.. Hehe i'm on my way sa work ko ngayon, sa family business namin ako nagwowork at kasama ko rin si ate jovi. Advertising manager sya and ako naman ay hamak na tagasunod nya lamang. Charot.hahaha editor. lang kaya ko sa ngayon. Sabi naman ng parents ko mas ok na yong magsimula ako sa mababa,  actually kakapromote ko lang rin bilang editor so dapat magsipag ako, nakakahiya naman ki ate jovi.. pero diba ang lakas ng loob kong utasan ate ko. Hehe alam kasi niya ang mga hilig ko kaya palagi nya akong sinusuportahan sa lahat,  dikit kami e.

So ayon nga buti talaga pumawag sya kasi gustong gusto ko talaga mapanuod ang laban ni cy. Ewan ko ba pero idol na idol ko sya, siguro dahil malakas sya.  Sa totoo lang ayaw ko ng mahinang tao,  yong malambot at duwag. Kasi nga sabi ng iba,  pagmahina ka,  aabusuhin ka nila.  yan ang sabi ng mga magulang ko at yon ang natutunan ni papa sa mga magulang nya,  kaya pinamana niya samin ang pangaral na yon. Tama rin sila lola't lolo, kasi ngayon marami akong nakikita sa social media na mga inaaping tao dahil nagmahina sila. Anyways,  malapit na ako sa work kaya dali dali akong naghanap hanap ng mapaparkingan ng marating ko ang basement ng building.

"goodmorning ma'am Jessica " bati sakin ni manong guard pagkarating ko sa lobby.

"goodmorning rin po manong" ngiti ko ng malapad sakanya.

"mukang masaya ka po mam ngayon,  ang ganda po ng ngiti nyo. "

"opo manong masaya po talaga ngayon hehe Mauna na po ako."

Sumakay ako sa elevator at hanggang makarating sa floor kung asan ang office namin. Pagkalabas ko ay naglakad na ako papasok at dumeretcho kung asan ang table ko.

"Jessica Margarette Galanza"
                  Editor

Mukang napaaga ata ako, wala pa kasing masyadong empleyado.  Sabagay minsan lang maging maaga ang isang tulad ko, parati kasing sakto lang ang dating ko.  Nakakapanibago pala pag-ganito.

"makapag-kape nga muna. " pumunta ako sa breakroom at nagtimpla ng kape. After bumalik  sa table at naupo, bigla akong may naisip at kinuha ko ang bag at nilabas ko ang isang bagay na nagpapagaan ng loob ko. Ang aking planner-journal, Two in one kasi some pages ay para sa where abouts ko at meron ring mga pages na my sinulat ako don na mga bagay na nangyare sakin na di ko malilimutan.

"J.M.Galanza" basa ko sa initials ng pangalan ko na nakalagay sa cover neto, ang nakakatuwa dito sa planner-journal  ko ay ang kulay, favorite color lang naman cover na nilagay ko. Hot pink. Hehe

I scan every page of it, may hinahanap kasi akong sinulat ko na gustong-gusto kong maalala ng paulit-ulit..

"ayon" masayang sinimulan kong basahin yon.

"hahahaha baliw ka talaga jema,  bat mo naman kasi ginawa yon? Ha? . Hmmm pero hanggang ngayon hindi ko pa rin talaga alam kung bakit.. Haaayyys siya kasi eeeee ang hina-hina niya,  ayan tuloy tsk..pero infairnsss ah ang lakas ng sex appeal niya.. Nakakainis.. " kung may makakakita lang siguro sakin ngaun,  naku pagtatawanan ako dahil sa ginagawa kong pangisi ng tudo.. Haha

Sinandal ko ang ulo ko sa upuan at pinikit ang mata.

"kamusta na kaya siya? " bulong ko sa sarili.

-------
 

Hello po😊👋 hindi po ako mkakapag-update ng 1week kasi po mgbabakasyo po ako sa pinas and mgging busy siguro ako. Kaya 3 chapters po ang iiwan ko saenyo and by the way i'm working here in macau po pla, Baka Lang po mgtaka kayo😅

Happy 1k readers po and 100votes. Maraming salamat po😍 😘😘keep on voting and comment rin po kau.. Hehe

Kita-kits sa pinas😂

Love lots😘

After Sacrifice (Jedean)Where stories live. Discover now