15 minutes

1.7K 78 10
                                    

Jema

"can you revise these? Just this one. And then yong iba it's good. Maganda ang ginawa mo dito sa ads natin.  Good job deanna and sayo rin jema. " puri ni te jovi samin ni deanna.

Sa 1 month na binigay samin ni ate jovi para sa bagong ads. 2 weeks nalang ang natitira before the presentation at dahil magaling kami.haha malapit na namin siya matapos. Ewan ko kung bakit naging smooth sa amin ni deanna ang paggawa ng ads, hindi na kami masyado nagsusungitan at nagbabangayan after nong pag-uusap namin that night about sa passed. Naging medyo close na rin kami at may mga napagkakasunduan na rin Weird. Hindi ko alam kung magkaibigan na ba ang tawag samin talaga o hindi.

"hey jemalyn" - deanna

At syempre may mga bagay rin na hindi naman napagkakasunduan. Tulad ngayon.

"tsk. Deanna sabi ko ayokong tinatawag mo ko nyn. Kainis to. " naasar na sabi ko. 

"arte mo. E sa yon ang gusto kong itawag sayo e. Hmm." deanna

"tse!  Bahala ka diyan. Pag tinawanag mo pa ulit ako nyn.  Wala kang 15 mins. . " sabay walk out ko sa meeting room

"oi jema sandali lang. bat naman napasama yong 15 mins? Remember, you owe me 15mins yesterday.." habol niya sa akin.

"wala akong pake. Pag tinawanag mo pa ako niyan,  wala ka talaga mapapala sakin...alis. wag kang humarang sa daan. " pagtataboy ko sa kanya.

"tsk.  Daya naman e. Oi sandali lang. "

Mas binilisan ko pa ang lakad dahil naramdaman ko na malapit na siya sa akin. Pero dahil naka heels ako at siya naka rubber shoes ay naabutan niya ako at sumabay na sa akin sa paglalakad. Hindi ko siya pinapansin kahit kinukulit niya ako hanggang sa makarating kami sa kanya-kanya naming table.

Pagkaupo ay agad kung inayos yong mga gamit sa ibabaw ng table ko dahil naiwan ko itong makalat. Nang matapos ako ay saktong naman na may tumatawag sa phone ko. Ng makita ko ang caller ay agad naman akong napatingin sa labas ng office ko at hinanap ko ang taong tumatawag sa akin. Ng makita ko siya ay tinaas ko ang phone ko at pinakita sa kanya na inignor ko ang tawag niya. Dahil sa ginawa ko ay napasimangot siya at parang batang naka nguso si deanna.

"haha cute. " nabigla naman ako sa lumabas sa bibig ko. " ai acute pala." bawi ko sa sinabi ko at palihim ko siya ulit na tiningnan habang umiiling.

"ayiee! Oi besh at ang lapad ng ngiti mo??! "

Napaangat naman ako ng tingin ng magsalita ang baliw kong kaibigan na pumasok na pala sa office ko.

"anong pinagsasabi mo dyan?  " hindi ko naman alam na ngumiti ako e.

"ayaw pa aminin e. " tukso niya sa akin.

" ano ba kailangan mo at nanggugulo ka ngayon? " pag-iiba ko ng usapan.

"oo nga pala. Itatanong ko sana about sa meeting nyo sa ate mo?  " buti nalang nabaling na ang atensyon niya sa tanong ko.

"ahh. May pinapabago lang si ate pero okay naman na daw lahat. "

"wow buti naman. Malapit na maglunch, sasabay kaba samin kumain?  "

Tiningnan ko ang oras at nakita ko nga na malapit na tanghalian.  Di ko man lang napansin.

"hmm sinu ba mga kasama?  "

Pero bago siya makasagot ay tumunog ulit ang phone ko at tiningnan agad kung sino ang nagtext.

From: Wong-kulit

Hi maglulunch na, may baon ako ngayon luto ni mom.  Sabi niya ipatikim ko daw sayo. G? 

After Sacrifice (Jedean)Where stories live. Discover now