first attempt

2.2K 75 5
                                    

Deanna

"haaaaay" walang tigil ako sa paghikab habang hinihintay ko ang training ko. Wala na akong kausap dahil nagsibalikan na sila sa trabaho nila, nakakahiya naman kung uunahin nila ako diba.hmm may balak pa kayang akong balikan ni jema, dapat siguro lapitan ko na siya at baka nakalimutan niya na may ititrain siya. Kaya dahan dahan akong lumapit sakanila at nung makarating ako ay bahagya akong nagsalita.

"eehemm..Ms. Jema, anong oras po tayo pweding magsimula sa training ko? " kahit gano ako kainis ay dapat hindi ako maging bastos pag may kaharap na iba, pag kami lang dawala, pag-iisipan ko pa..

"oh hi , im kyla nga pala.. Kamusta? " ibis si jema ang sumagot ay yong kausap naman niya na babae ang nagsalita.

"hello, i'm deanna. "

"welcome nga pala, huwag kang mahiyang magtanong if may meron kang hindi maintindihan, okay? "

"hmm okay po, thank you. "

"parang ang tanda ko naman sa "po" mo. Hehe " tinapik niya ng bahagya ang braso ko at sabay tawa ng mahina.

"tapos na ba kayo? "

napatingin ako ki jema ng magtanong siya na parang naiinis, Bat naiinis siya? Dapat nga ako ang mainis e kasi ang tagal niya. Kaya ang ginawa ko ay sinamaan ko rin siya ng tingin. Akala mo ah, hindi to nagpapatalo. Huh.

"selos ka naman agad friend, o ayan, sayong -sayo na siya..hahaha ". Hinawakan niya ako sa kamay at tinabi ki jema na parang batang pinamimigay.

"tse. Sumama ka sa amin sa training room. Akala mo ligtas kana. "

"pero sabi ni mam jovi ikaw diba magtrain sa kanya."

"oo, pero tutulungan mo ako. "

"eee friend naman"

"ayaw mo??! " at pinandilatan niya ng mata si kyla at walang nagawa kundi ang pumayag nalang.

"kainis naman.. Sige na ngaaaa..halika dito deanna, sa akin ka sumabay, wag diyan sa masungit na yan" dali-dali niya akong hinila at tinungo ang daan papuntang training room.

Okay lang sana na siya ang mgtrain sa akin pero kaylangan ko kasing masolo si jema para makausap. Haay saka na nga lang pagnakahanap ako ng tsempo.

Naging smooth naman ang training ko buong umaga, maganda naman magturo si kyla kahit papano, si jema naman katabi naman ni kyla sya ang nagsasabi kung ano dapat ituturo sa akin. Yong tipong para sa akin ang sasabihin niya pero pinapadaan pa ki kyla, halatang halata na umiiwas sa akin at kada titingnan ko siya ay hindi siya sa akin makatingin ng deretcho. Siguro na ako na naalala niya ako kaya tudo iwas siya ngayon. Ganon lang ang set-up hanggang sa mglunch break.

"hmm kyla, san ba ang cafeteria dito? " tanong ko habang nag-aayos ng gamit. Ang bilis ng oras, gutom na gutom na ako.

"sumabay ka nalang sa amin, tutal don rin naman kami pupunta"

"kyla." may pagbabantang tawag ni jema sa babae.

Hinila papalayo ni kyla si jema at nag-usap sila di kalayuan sa akin. Maya-maya ay nakita kong pabalik na si kyla kaya sa ibang direksyon ko binaling ang tingin ko.

"tara? " pag-aaya niya sa akin.

"okay lang ba na isabay nyo ko? " paninigurado kong tanong

"oo naman Kaya tara na, wag kana mahiya. "

hinila niya na ako palabas ng training room at nakita kong naghihintay sa amin si jema sa labas na naka simangot pa rin hanggang ngayon ang mukha.

After Sacrifice (Jedean)Where stories live. Discover now