Last Night

2.4K 75 2
                                    

Jema

"aaahhhhh!!! " -someone

(Blaaagg! )

"Ouch!! Sh***!! Bat mo ko sinipa??!! " pagalit kong sinigawan ang taong sumipa sa akin kaya ako nahulog sa kama. "ang sakit ah!  " hinamas-himas ko ang puwetan ko na nasaktan dahil sa ginawa nya. 

"ako dapat ang nagtatanong!  Bat nandito ka sa kwarto ko??!! " bakas nag pagkagulat, taranta at galit ang mukha niya.

"pwede ka naman magtanong ng hindi na nanakit ahh!  Sinira mo pa talaga ang tulog ko.. Haizt.  " tama naman diba?  Kaloka siya.

"wow grabe ako pa talaga may kasalanan!  Ikaw tong nang-iinvade nag kwarto. Bakit ka nandito??  Huh??  May ginawa ka sakin no?? " sunod-sunod niyang tanong sa akin at sabay angat ng kumot at ewan ko kung ano ang tinitingnan niya.

"huh?  Excuse me?!  Ako?  Asa ka. Hindi ikaw ang tipo ko na gagawan ko ng masama. " pagtataray ko naman sa kanya. 

Tumayo ako sa pagkakabagsak  kanina at inayos ang sarili,  masama kaming nagtitigan,
nagpapaki-ramdaman kung sino ang unang magsasalita ng biglang magbukas ang pintuan.

"goodmorning saenyong dalawa,  ang aga-aga nagsisigawa kayo. Deanna, baby go take your shower para makapag breakfast na tayo. And you,  jema magshower ka na rin or better magsabay nalang kayong dalawa para mas mabilis. Haha" - MRs.  Wong.

"yes po tita"

"Maaaaaa!! " - deanna

"go bilis na at naghihintay na kami ng daddy mo sa baba. " - mrs.  Wong

Pinanuod ko si mrs.  Wong habang palabas ng kwarto bago ko ulit tingnan ang taong nakasimangot at masamang naka tingin rin pala sa akin.

"what? "

"what what ka diyan??  Wala ka pang sinasanagot sa tanong ko.. " -deanna

"alam mo ang sungit mo talaga no. Mamaya ko sasabihin,  sabi ng mama mo bilisan na daw natin para makakain na tayo. Kaya ako na mauuna maligo ahh. Chao" papalakad na sana ako papunta sa cr ng humarang siya sa dadaanan ko.

"wow ha. Kwarto mo??  Tsk.  Ako mauuna,  manigas ka diyan. " -deanna

"hehe sabi ko nga ikaw na mauna.. "

Hmm himala wala akong narinig mula sakanya. Kaya habang nasa cr siya ay humiga ulit ako kasi masakit pa rin ang ulo ko at puwetan ko dahil sa kagagawan niya..Seguro nagtataka kayo kung bakit ako nandito sa kwarto ng masungit na wong na yon.  Well, ganito kasi yon.

Flashback

"wala ka pala eh.. Hehe"

Nakakatawa ang itchura niya after kong hipan ang tenga niya. Nakatulala at gulat na gulat. Haha akala niya, so what kung alam niya na ako yong humalik sa kanya noon? Gusto niya makipaglaru?  Game ako.  Atleast ngayon,  ako ang panalo at siya ang talo. Hahaha umalis na ako sa harapan niya at sumama kina kyla para magsayaw at mag enjoy, siya?  Ayon nasa upuan pa rin at nakatulala. 

"oi anong ginawa mo ki wong at ganon ang itchura? "-kyla

"wala no.. Ewan ko don. Tara na magsayaw na tayo..  "

Hindi na ulit namin siya pinag-usapan, eto kaming lahat ng eenjoy.  Sayaw dito, sayaw doon.  Parang wala ng bukas. Hindi namin alam kung gano kami katagal sumayaw ng mapagdesisyonan namin na bumalik para makauwi na kami. its getting late na rin kasi. Habang papalapit kami sa table.

"patay. Guy's sino pwedeng maghatid dito ki wongskie??  "-ponggay

Saka lang namin napansin na tulog na tulog na pala si deanna sa upuan. Halatang lasing na lasing kasi my baso pa itong hawak. Mahinang nilalang..

After Sacrifice (Jedean)Where stories live. Discover now