Chasing after

2.1K 81 8
                                    

Jema

"ano nandyan ba?"

"wala e" malungkot na saad ko ki kyla. Pagkadating na pagkadating namin sa bahay ay agad akong umakyat sa kwarto at hinanap ang planner-journal ko. Pero mas lalo lang akong nalungkot ng hindi ko makita ang hinahanap ko.

"san mo naman kaya yon nawala
ha? " lumapit sa akin si kyla at hinaplos ang likod ko para mawala ng  konti ang pag-alala ko.

"hindi ko alam,  basta nasa bag ko lang yon ng umalis tayo sa Dj's cafe" saglit akong natigilan at napaisip at inalala ang nangyare kahapon.

"tama!! " malakas kong sabi at tumayo agad.

"aray ko naman friend,  nakakagulat ka naman" sabay hawak niya sa dibdib dahil sa gulat.

"ai sorry.. Hehe. Naalala ko na,  kahapon kasi habang tumatakbo tayo papuntang parking ay parang may nahulog pero di ko na ilaman kung ano yon"

"oh alam mo naman pala na may nahulog e,  bat di mo tiningnan kung ano?? "

"eee ikaw naman kasi hinabol mo ko. Yan tuloy di ko na inalam. Tsk"

"ako pa pala ngayon may kasalanan no. Sorry ah.  Excuse me,  hindi kita hinahabol ahh ikaw lang tong tumatakbo e kaya napatakbo rin ako.. " pagsusungit na sabi niya.

"e basta,  tara na nga baka nandon talaga yon. "

Dali-dali kaming bumaba at tinungo ang sasakyan para makaalis agad at mapuntahan na ang Dj's cafe...sana talaga nandon lang yon. .habang nasa byahe kami,  ni isa sa amin ni kyla ay walang nagsasalita, tahimik ako kasi kinakabahan ako,  ewan ko lang dito sa kasama ko kung bakit tahimik rin.

"nandito na tayo"

"ah okay. Tara na" walang alinlangan akong lumabas ng sasakyan at nagsimulan hanapin ang pakay ko.

"ano nakita muna ba? " tanong agad sakin ni kyla pagkalapit niya.

"hindi pa e.. Maghiwalay ulit tayo para mas mabilis natin mahanap. "

"oh sige don ako sa dulo, ikaw na dito sa gitna. " pagsang-ayon naman agad niya.

Habang nasa dulo si kyla ay wala naman akong tigil sa paghahanap dito sa gitna. Nangangalay na leeg ko kakayuko at kakalingon kung saan-saang parte. Dapat nandito lang yon kasi dito kami naka park kahapon.

"magpakita kana sakin ohhh" pagmamakaawa ko nalang kasi nawawalan na ako ng lakas ng loob. Alam kong simpleng bagay lang yon pero sobrang importante kasi sakin non e, hindi lang dahil sa mga nakasulat don Kundi dahil regalo yon at ala-ala ng isa sa mga taong importante sakin kaya dapat mahanap ko yon. "asan ka na ba?  Asan na, asan,  asan,  asa---" natigil ako sa paghahanap ng may natanaw ako sa di kalayuan na nagpabalik ng sigla ko.

"ayon! " dali dali akong tumakbo sa kung nasaan yon pero hindi pa man ako nakakalapit ay may nakita akong babaeng dumampot non at biglang nalang nilagay sa kanyang bag.  Hindi ko malaman kung sino kasi nakatalikod siya sakin. Kaya binilisan ko ang takbo para mahabol pero agad naman itong nakasakay sa sasakyan at agad na umalis..

"hoy! " lakas kong sinigaw para mapansin ako pero hindi niya  ata narinig kasi dere-deretchong umalis. Bigla akong Napanic,  dapat mahabol ko yon.

"kylaaaaaaaa" tawag ko kyla at sabay takbo para hanapin siya.

"oh bakit?  Hinay-hinay,  may hinahabol ka ba? " awat niya sakin habang papalapit ako sakanya.

"meron.  Kaya tara na,  may hahabulin tayo. " dali ko siyang hinila pagkalapit ko sakanya at tinungo ang sasakyan namin.

"oi jema saglit baka madapa tayo. " paalala niya sakin.

"kaylangan nating bilisan..sakay! " utos ko sakanya at wala siyang nagawa kondi ang sumakay na lamang.  Ako ang magdadrive para mabilis ko siya mahabol.

"sino ba kasi ang hinahabol natin?" nagtataka nag tanong ni kyla.

"basta, mamaya ko na ikukuwento. Dapat mahabol natin siya." deretchong saad habang tinatahak ang daan kung saan nakitang dumaan ang babae.

Di nagtagal ay nakita ko na ang sasakyan nya,  nasa kabilang lane lang ito at may tatlong sasakyan ang pagitan naming dalawa. Ngayon ko lang ikinatuwa ang traffic dito sa edsa, kaya dapat makalapit man lang ako sa sasakyan niya. Nang may umusad na sasakyan sa unahan ko ay agad akong lumipat sa kabilang lane,  dalawa nalang, naghintay ulit ako ng pagkakataon para makalapit pa at hindi naman ako nabigo dahil nabigyan ulit ako ng isang spot.  Isa nalang,  habang naghihintay ulit ay lumingon ako sa gawi niya,  medyo tinted ito kaya hindi ko masyado maaninag ang loob nito. Lumipas ang mga minuto ay hindi na ako nakalapit pa hanggang sa makalabas na rin kami ng edsa,  hindi ako sigurado kung saan na, pero along QC na to.

"jema,  kanina pa natin sinusundan yan. Sinu ba kasi yan?  " naiinip na sabi ni kyla.

"nakita ko siyang pinulot ang planner-journal ko kanina kaya sinusundan natin siya para mabawi ko yon. " paliwanag ko naman.

"kaya pala, pero naiinip nako.  Saan kaya pupunta yan. Hmp"

Kung naiinip si kyla, lalo na rin ako.  Kaylan ba hihinto yan. Haay.

"oh ayan na jema huminto na,  dali magpark ka ng malapit sakanya. " ginawa ko naman ang sinabi niya at dali daling ng park kung saan siya ngpark. Sa pagkaka-alam ko Quezon ave.  Ito. Ang layo ng ng binanyahe namin,  south to north.  Haizt

"hintayin natin bumaba bago tayo lumabas". Pahayag ko naman na sinang-ayunan ni kyla.

Kaya naghintay kami ng pagbaba niya. Kinakabahan ako na ewan,  haizt simpleng pagbawi lang naman ang gagawin ko pero bat ganito nararamdaman ko?  Kainis.

"pababa na sya...." pahayag ni kyla.

Unti-unti kong inangat ang tingin ko para makita siya pero para akong binuhusan ng malamig na tubig sa nakita ko.  Hindi ako makapaniwala. Binubiro ba ako ng tadhana?  Bat sa dinami-daming pweding makapulot non ay siya pa talaga??  Bat yong babae pang hinihiling ko na hindi ko na makikita ulit? Bakit naman po ganito lord. Huhuhu

"oi sandali bat aalis tayo???? " naguguluhang tanong sakin ni kyla.

Pero hindi ko siya sinagot at agad-agad kong pinaandar ang sasakyan para maka-alis na agad sa lugar na to.. Hindi ko kayang harapin siya.. Nahihiya ako sa ginawa ko noon sakanya kaya wala akong lakas ng loob ngayon.. Bahala na,  saka ko nalang iisipin kung pano ko makukuha ang planner-journal ko sakanya.. Haizt siya lang naman ang babaeng hinalikan ko noon na nakapulut ng planner-journal  ko,  pagminamalas ka nga naman ohh.. Huhuhuhu

"kainin muna ako lupaaaa" para akong baliw na paulit-ulit na sinasabi iyon habang papalayo kung nasaan siya..

After Sacrifice (Jedean)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon