A good or a bad deal

1.5K 59 4
                                    

Jema

"haayy  nakakapagod naman tong maghapon na to. "

"true. Feeling ko sasakit buong katawan ko bukas e. "

Reklamo nina ponggay at kyla habang pabalik kami sa kanya-Kanya kwarto para magpahinga. Hindi ko naman sila masisi kasi sa totoo lang, nakakapagod naman talaga ang mga activities na ginawa namin. Isa't kalahating araw na kami dito s batangas  dahil sa team building namin na nagsimula kahapon. Mas madami kaming ginawa ngayon at mas nakakapagod.

"reklamo kayong dalawa diyan. E kayo naman nga nakaisip at ng plano ng buong activities natin dito.  " sabi naman ni dani.

"e hindi naman dapat kami kasali ni kyla e. Kaya nga willing kaming magplano e. Kayo tong madadaya kasi dapat naiintindihan nyo kami. Hindi yong pinilit nyo kaming sumali. " -ponggay

"kayong dalawa ang madaya,  ano yon?  Samin ang hirap at sainyo ang sarap?  " nakataas ang kilay ni jules habang nakikipagtalo sa dalawa.

"tigilan mo kami Julie ahh. " -ponggay

"mag sitigil na nga kayo dyan, kaylangan na natin magpahinga kasi magprepare pa tayo para sa bonfire mamaya. " awat ko naman sakanila para matapos na ang bangayan ng mga to.

"mas mabuti pa nga, mauuna na ako sa inyo ahh. Hmm saka nga pala jema,  pwede ba daw si bea sumunod mamaya?  Nangungulit kasi e,  kilala mo naman yon. " pagpapaalam naman sa akin ni jho.

"oo naman, welcome kamo siya anytime. Saka hindi naman na natin kasama si ms. Jovi kaya pwedeng pwede." pagsang-ayon ko naman.

"okay jema.. Thanks hehe" -jho

"haay naku,  mang-iingit na naman ang lovebirds mamaya. " yamot na sabi naman ni ponggay.

"tse!  Inggitira ka lang talaga. " irap ni jho habang paalis na.

"ai grabe siya oh.. Hmp,  makaalis na rin nga. " -ponggay

Maya-maya ay sumunod naman yong iba at walang tigil pa rin sa asaran. Kami naman ni kyla ay tumungo na rin sa aming kwarto. Yes, magkasama kami sa iisang kwarto. Kahit ayaw ko ay wala ring akong magagawa dahil dapat ay may kapartner o kasama talaga, ang swerte namin naman di ba if bibigayan kami ng company ng tig-iisa. Kaya no choice. Tiis-tiis muna akong kasama ang baliw kong kaibigan.

"besh, ako na mauuna sa cr ah. " -kyla

"sige go lang. Ang bantot mo na rin eh..

"ai grabe ahh saka. " saka niya hinamoy ang sarili. " hindi naman ahhh...ang bango-bango ko nga eh. " depensa naman niya at pumasok na ng cr.

"hays. "  hindi ko talaga maintindihan kung bakit ko siya naging kaibigan. Sakit sa bangs ..

Habang naghahanap ako ng pamalit ay di nag tagal ay lumabas na si kyla sa cr.

"wow ang bilis mo naman. Sigurado kabang naligo ka??  Baka mamaya nyan puro pa buhangin yang buhok mo. " pang-aasar ko naman.

"ano kaba besh. syempre no, dapat save water for our mother earth.haha charot. Oo naman no,  saka naligo naman tayo kanina sa dagat e. Hehe " defensive na paliwanag nito.

"save save ka diyan. Ang sabihin mo, ligong pato ka. "

"alam mo besh, feeling ko talaga ayaw mo kong kaibigan e.. " nagpapa-awang sabi nito.

"buti alam mo. Tse!  Maka ligo na nga. "

"ang sam----" 

Hindi ko na narinig ang sinabi niya kasi dali-dali akong pumasok sa cr at nilock ko agad ang pinto para di ko maranig ang kadramahan niya.. Haha nagsimula na akong maligo para maaga akong matapos. Sa dami ng aasikasuhin mamaya kaylangan ay walang sinasayang na oras.

After Sacrifice (Jedean)Where stories live. Discover now