Planner-journal

2K 68 2
                                    


Jema

"oi babae anong iniisip mo jan at nakangiti kang parang baliw? " bigla akong napadilat ng may narinig akong nagsalita.

"ano ba kyla, nanggugulat ka naman e" maktol ko sakanya.

"aba kasalan ko pa?  Kanina pa kaya kita tinatawag,  ikaw tong di namamansin e"

Ganon ba ka lalim ang pag-iisip ko kanina kaya pati nasa paligid ko di ko na namamalayan?  Haays kasalanaman naman kasi yong ng babaeng yon ee. Kainis.

"ai ganon ba hehe sorry naman. Oh bat ang aga mo ngayon? "

"suss masyado ka na naman naka focus jan sa iniisip mo. Si cy na naman ba yan? " hinalang tanong niya

"oi grabe, wala akong inisip. Pumikit lang ako kasi antok pa rin ako" pagsisinungaling ko sa kanya.

Kahit best friend ko si kyla may mga bagay pa rin akong nahihiyang sabihin sakanya, maliban nalang pag-umatake na naman ang pagiging makulit niya pero sana hindi mangyare yon kasi nahihiya talaga ako.

"sa akin ka pa talaga magsisinungaling ah. Oi jema para di kita kilala. " mataray nya kong tinitigan. Grabe nakakatakot talaga to pag nataas ang kilay.

"wala nga kasi" patay malisya kong sabi

"talaga lang huh..  E ano to?? " sabay taas niya ng planner-journal ko na nakalimutan ko palang itago.

"bat nasayo yan? Akin na. " hahablutin ko sana kaso iniwas niya at tinaas lalo.

"not so fast my dear bff... So sinu hinalikan mo?!  Deretchong tanong neto habang nkangisi

Nanlaki bigla ang mga mata ko sa bigla niya sinabi.

"huh?  Ano?  Hinalikan?  W-wala ah.. Akin na kasi yannnn" pero mas lalo lang niya tinaas ang kamay at tudo ngiti na parang alam na di ako nagsasabi ng totoo.

"6 months na nangyare pero di mo pa rin nakalimutan,  ibig sabihin gusto mo yong taong hinalikan mo. Hahahaha" tuloy tuloy niyang sabi. Iniisi nya ko para magkwento.

"wala akong alam sa sinasabi mo ah, saka ng-iimbento ka lang jan tigilan mo ko. " pagsusungit ko para di nya na ako niloloko

"hahaha walang alam ahh, dahil busy kang nakapikit kanina hindi mo na napansin na kinakausap kita,  kaya ang ginawa ko binasa ko nalang naman ang laman neto. "

"bat binasa mooo??? " nahihiya akong tumingin saknya " lahat ba nabasa mo? "

Ngumiti muna sya ng nakakaloko bago sumagot " gusto mo bang malaman kung hanggang saan ang nabasa ko? Hanggang sa maha-"

"Tama na..nakakainis ka naman eeeee" maktol akong umupo, wla suko na ko sa kanya. Nakakahiya. Huhuhu

"hahahaha jemaaaaaa grabe kaaa so totoo ngaaa.. Hahaha who's the lucky girl?"

"eeeeee kyla naman ee..wag muna akong pagtawanan diyan.."

"haha sorry di ko kasi mapigilan, iba ka talaga.. Hahaha so bakit mo nga hinalikan yong babae?  At babae talaga ahh. Hahaha" wala na syang preno kakatawa.

"tseeee!!"

"bakit nga kasi??  Haha ano bang nangayare at umatake yang kamanyakan mo ha?? "

"hindi ako manyak ahhh.. " depensa ko. Tama naman e hindi ako manyak hmp.

"hahahaha sus, so bakit nga kasi? "

"kulit mo rin eeee,  mamaya ko na ikukuwento. Malapit na mag time" no choice ako. Pag ganyan makulit yang bff ko hindi niya ako titigilan.

"o sige mamaya ahh"

Buti nalang at pumayag siya.. Haayy

-------


After Sacrifice (Jedean)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon