"Mag-isa at nakatulala"

1.5K 68 3
                                    

Deanna

"hey, thank you again for coming with me. "

"no worries. Ano okay na ba yan? Kasi baka mamaya sumakit na naman ulo mo. "

"yep. I think it's good naman. And don't worry hindi mo na ko kaylangang alagaan tuwing hapon. "

"dapat lang no. Sumasakit na kaya mga daliri ko kakamassage dyan sa matigas mong ulo.."

"wow nahiya naman ako sa mga daliri mo. "

"haha tara na nga. Nagugutom na ko. San mo ko ililibre? "

"oo na po. Hmm where do you want ba? "

"hmm"

Nilingon ko sya ng walang akong makuhang sagot sakanya. Naka tingin lang ito sa kung saan habang nakalagay ang isang kamay sa baba na parang nag-iisip ng malalamin. Hiniyaan ko nalang syang ganon at nagpatuloy na ako sa pagdadrive. Kakagaling lang namin sa clinic kung saan ako nagpacheck-up at nagpapalit na rin ng grado sa mata. Buti nalang sinadgest ni jema na kaylangan ko na magpapalit.

Ilang minito na ang nakakalipas pero hanggang ngayon ay wala pa rin akong naririg mula sakanya kaya nilingon ko ulit sya para tanungin.

"jemalyn ano na? Hindi ka pa rin ba nakakapag-isip kung san mo gusto? "

"wait lang. Ang dami ko kasing gustong kainin eee. " pagpapaliwanag naman nito.

"konting bilis. Nasa gitna na tayo ng edsa. Hay naku. "

"eto na. Hmm dahil marami akong gustong kainin, sa common wealth tayo pumunta. Hehe "

"saang don? "

"basta ituturo ko nalang. Bilis!."

"tsk. Sa mura lang ahhh. Wala pa akong sahod no. "

Imbis na tumigil ito kakangiti ay mas lalo pa nitong nilakihan at may kasama pang pagtaas baba ng kilay.

"just drive. " sabi pa nito

"tsk. Opo boss" sarkasitong kong sagot sakanya

"good" pahabol pa nya.

Dahil hapon na ay halos dalawang oras rin ang inabot bago kami nakarating ng common wealth. pinagpark niya muna ako dito sa open field at naglakad nalang kami papunta sa gusto nyang kakainan.

"tadaa!! Dito na tayo.. "

"Foodpark StreEat" mahina basa ko ng makarating kami dito sa tinutukoy nya.

Medyo nagulat ako ng konti dahil hindi ko inexpect na sa ganito lugar nya pala gusto kumain. Ang iniisip ko kasi kanina sa isang resto nya ko dadalhin.

"bilis tara na habang konti palang tao. "
masigla niya akong hinila papasok sa park habang parang batang nakakita ng paborito niya.

"tsk. "

Pasimple ko syang pinapanuod habang naghahanap ng kakainin. Hindi ito mapirmi sa isang stall at palipat lipat ito. Mas lalong lumalapad ang ngiti niya habang patuloy ito sa paghahanap. Kaya hinayaan ko lang ito at hindi ako gumalaw sa pwesto ko.

"oi ano tinatanga-tanga mo dyan? Bayaran mo na to. Dali. "

Natigil ako sa pag-iisip ng tapikin nya ako sa braso at naka simangot na unutusan ako para magbayad. hindi ko man lang namalayan na nakalapit na pala ito sakin.

"a-ahh okay wait lang. Saan ba? " tanong ko nalang.

"don ohh. Bayaran mo na don at pipili pa ako sa iba.. Hehe bye" at bilang nalang itong umalis matapos magbilin.

After Sacrifice (Jedean)Where stories live. Discover now