Tres

7 2 0
                                    

Kiss

"Bessy, alis muna ako ah. Bibisitahin muna namin nila mommy si Ate." pagpapaalam ni Amira kay Jane habang nag-aayos siya ng kanyang buhok. Inilabas narin niya sa sala ang maliit na baggage bag na pinaglalagyan ng kanyang damit.

"Kailan ka babalik dito? Aabsent ka ngayon sa work?"

"Sa linggo ng gabi uuwi rin ako dito. At nagpaalam naman ako sa mga katrabaho ko."

"Okay ingat ka, ikamusta mo narin ako sa mommy at daddy mo. Pati narin kay Ate Akisha."

"Sige. See you." hindi maganda ang pakiramdam ni Amira habang nasa byahe siya, agad ibinalita sa kanya ng ina na nagsasalita ng muli ang ate niya kaya kahit mapa absent pa siya sa ojt niya ay okay lang sa kanya.

Nakarating rin naman si Amira sa manila pagkatapos ng apat na oras na byahe dahil wala naman masyadong traffic. Dumiretso na siya sa lugar kung saan andoon ang kanyang ate.

Nang makita ng nurse si Amira ay pinapasok naman agad siya nito sa kwarto ng ate niya. Nakita niya roon ang mommy at daddy nila, kasama ang kanyang pamangkin na pitong taong gulang na.

"Andyan kana pala, Amira. Kanina pa nangungulit itong pamangkin mo nalaman lang na pupunta ka dito." hinalikan naman ni Amira ang kanyang mga magulang bago umupo sa tabi ng pamangkin at hinalikan rin ito sa nuo.

"Ate Amira, may nakita po akong mga bagong toys sa mall, bili nyo po ako ate." nagpapa cute pa kay sa dalaga ang pamangkin niya habang nakahawak sa kanyang braso.

"Sabi sayo Azi, tita mo ako hindi ate. Pero sige mamaya pupunta tayong mall para bumili ng toys, at maglalaro din tayo." lumiwanag naman ang itsura ng pamangkin ni Amira at hinalikan siya sa pisngi.

"Sige tita! Thank you po."

"Iniispoil mo nanaman iyang si Azi."

"Hayaan nyo na Daddy. Kamusta na pala si Ate?" iniba nalang ni Amira ang usapan dahil ayaw niyang sumama ang loob ng pamangkin niya. Gusto lang naman niya na hindi nito maramdaman na wala ang ate niya sa tabi nito. Dalawang taon narin simula ng napilitan silang ilagay sa mental institution ang ate niya.

"Okay lang ang ate mo, kanina ay matino na siyang nakakausap. At sabi rin ng mga doctor ay hindi na siya madalas magwala at mag tangkang magpaka matay." naluluhang sagot ng ina ni Amira, niyakap naman ito ng dalaga at hinagod ang likod ng ina.

Dalawang taon na ang nakararaan nang mawala sa sarili ang ate ni Amira, simula ng malaman nito na may kalaguyo ang asawa nito ay nagsimula itong maging suicidal na mas lumala ng tuluyan siyang iwanan ng kanyang asawa.

Hindi na nito napag tuonan ng pansin ang anak niya, palagi itong tulala o kaya naman ay nagwawala at tinatangkang patayin ang sarili. Kaya nang hindi na ito nakayanan ng magulang niya ay dinala na nila ito sa mental para magamot.

Inabot ng dalawang taon bago ito nakausap ng matino. Napakatagal na hinintay ito nila Amira.

Pinunasan ni Amira ang luhang pumatak galing sa kanyang mata, hindi mapigilang makaramdam ng awa para sa kanyang pamilya lalo na sa kanyang pamangkin na si Azi. Alam niyang hindi pa ito naiintindihan ng pamangkin pero nakikita rin niyang nasasaktan ito. Lalo na sa mga panahon na hindi niya makausap ang ina dahil nagiging agresibo ito, at takot silang baka masaktan ng ate niya ang sariling anak.

"Amira, kamusta naman ang pag-aaral mo?" tanong ng ama ni Amira sa anak.

"Okay lang, nag o-ojt ako ngayon. Pagkatapos nun ay hihintayin nalang namin ang graduation."

Queen Series 1: Amira Zaine LegazpiWhere stories live. Discover now