Ocho

3 1 0
                                    

Manliligaw

Nagpapasalamat si Amira na natapos rin sa wakas ang practice nila para sa graduation. Excited na siya sa pagtatapos niya, pero nang marealize na magtatrabaho na siya pagkatapos ay bumusangot nanaman ang mukha niya.

"Tita why are you sad po?" tanong ni Jaero ang anak ni Jane, habang nakatunganga rin ito sa harap niya at kumakain.

"Eh kasi naman Jaero, iiwanan nyo na ako ng mommy mo. Uuwi na kayong manila, paano na ako?" pagdadrama ni Amira sa anak ni Jane na biglang nalungkot din sa sinabi niya. Maya-maya lang ay bigla itong umiyak.

"Mommyyyy!"

"Hoy, Amira anong ginawa mo sa anak ko." hinampas ni Jane ang balikat ni Amira ng makalabas siya galing sa kusina.

"Wala akong ginawa sa anak mo, wala talaga bessy."

"Why are you crying baby?" tanong ni Jane sa anak.

"Are we...are we going to abandon tita mira po? Iiwan na po natin siya dahil may daddy na ako?"

"Huh? Anong pinagsasabi mo dito mira?"

"Hoy maka bintang ka naman bessy, nag drama lang naman ako na iiwan nyo na ako. Hindi ko naman alam na ganun ako kamahal ng anak mo. Jae, tara na dito kay tita." binuhat ni Amira ang anak ni Jane na ubod ng gwapo, manang-mana sa tatay.

"Nagbibiro lang naman si tita eh, happy nga po ako kasi malapit na kayo kay daddy mo."

"You will visit us parin naman po diba?"

"Oo naman, naku love na love ka kaya ni tita. Diba sabi ko sayo ako ang second mommy mo?"

"Yes po tita mommy!" masayang sagot ng anak ni Jane kay Amira.

"Wag mo nang biruin ulit yan Amira ha. Alam mo naman na masyadong malapit sayo yan."

"Oo na bessy, parang si Azi lang to eh akala ata nila may ipamamana ako sa kanila pag ginaganyan-ganyan nila ako....Aww! Joke lang naman Jane." umiiling nalang si Jane na bumalik sa kusina pagkatapos kurutin sa tagiliran ang kaibigan.

"Bukas graduation na ni tita, may regalo ka ba saakin Jaero?"

"Amiraaa!" sigaw ni Jane na may halong pagbabanta habang nasa kusina siya dahil alam niyang uumpisahan nanaman ng kaibigan ang pang-aasar sa anak niya.

"Biro lang Jane! Panget ng ugali mo."

"Ang ganda mo Mira! Manahimik kana dyan!"

"Salamat!" natatawang sagot ni Amira sa kaibigan, naiimagine na niya na napipikon na si Jane sa kanya, kaya tumigil na siya at pinag patuloy ang pagkain ng mga prutas na nakahain sa hapag kainan nila.

"Hudyo! anong ginagawa mo ngayon?"

"Boring ang buhay ko ngayon kulitin mo ako."

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na gusto ni Amira na kulitin siya ni Jethro, siguro ay dahil nakasanayan narin niya ang pangungulit sa kanya nito.

"I'm on meeting baby, maybe later?"

"Why? Do you miss me?"

Reply naman ng binata kay Amira.

"Nasa meeting daw pero nakapag text pa ng dalawang beses." bulong ni Amira sa sarili bago nireplyan ang binata.

"Sige maya nalang, ituloy mo nalang yang meeting mo. Text mo nalang ulit ako pag natapos na. XOXO."  pagkatapos mag reply ni Amira kay Jethro ay pumunta na siya sa kwarto niya para humiga.

Queen Series 1: Amira Zaine LegazpiWhere stories live. Discover now