Seis

3 1 0
                                    

Nervous

Natapos rin ang OJT ni Amira sa kompanya ni Jethro at binigyan naman siya ng binata ng pinaka mataas na grado, kaya pinag hahampas niya ang binata kahit sinasabihan siya nito na sadista.

"Aray ko naman, Baby! Deserve mo naman yun kasi nag trabaho ka naman ng maayos. Yung mga kaklase mo mataas rin naman ang grades ah." pag dadahilan ni Jethro kay Amira, mukhang kumalma naman ang dalaga at umupo na ulit sa tabi niya.

Nasa mall ang dalawa at katatapos lang kumain ng tanghalian nila. Kahit natapos na ang trabaho ni Amira, ay palagi parin siyang kinukulit ng binata kaya palagi parin silang magkasama na kumain ng tanghalian o kaya ay dinner.

"How's your day?" tanong ni Jethro sa dalaga habang hinahawakan ito sa siko, dahil baka madapa ito sa kakatext nito, maglalakad pa man din sila papunta sa sinehan.

"Okay lang, practice lang ng pagmamartsa." sagot ni Amira at tsaka humawak sa braso ng binata na para bang normal iyon sa kanila. Itinago naman na niya ang cellphone niya dahil hindi naman na nag reply ang mama niya.

"Nakalimutan ko. Magpapaalam pala ako sayo, bukas kasi uuwi kami nung kaibigan ko sa manila."

"What for?"

"Party ata? Ang alam ko ibibigay na yung company ng magulang ni Jane sa kanya kaya may ganun. Pero feeling ko naman invited ka dun eh, noh?"

"Yeah. Wala sana akong balak na pumunta kasi maiiwan ka dito, pero kasama ka naman kaya sasama narin ako. Dapat kung nasaan ang asawa ko andun din ako." uminit at pinamulahan naman ng pisngi si Amira dahil sa sinabi ni Jethro.

"Manahimik ka kung ayaw mong ilaglag kita sa first floor." bulong ni Amira sa binata na hindi nanaman pinansin ang banta niya. Hinila nalang niya ito papunta sa bilihan ng ticket at namili ng palabas na hindi corny at hindi rin love story, si Jethro naman ay nakapila sa bilihan ng popcorn kaya sumunod nalang siya dun pagkatapos makuha ang ticket nila.

"Misis ko, anong gusto mong flavor." bulong ni Jethro kay Amira nang makalapit ito sa kanya.

"Cheese. Tapos gusto ko ng ice tea."

"Alright."

Habang hinihintay ni Amira na matapos ang pag order ni Jethro ay tinignan ulit niya ang cellphone niya kung may reply na ba ang mommy niya. Ibinalita kasi sa kanya ng ina na umaayos nanaman ang lagay ng ate niya. Ilang araw na daw itong maayos na kausap at nakipag laro kay Azi.

Dahil wala namang reply ang mommy niya ay binalik na niya ang cellphone sa bag at nginitian si Jethro na papalapit na sa kanya dala ang paglain nila. Hindi na naintindihan ni Amira ang palabas na pinapanuod nila dahil bukod sa boring naman ito ay dinadaldal pa siya ni Jethro hanggang sa matapos ang palabas.

Inaya nalang ni Amira si Jethro na umuwi na dahil aasikasuhin pa niya ang dadalhing gamit papuntang manila. Inihatid naman siya ng binata sa bahay nila at hinalikan siya sa nuo bago umalis. Kinabukasan maagang umalis si Amira at Jane kasama si Jaero na anak nito, at dahil gabi pa naman ang party sa bahay nila Jane ay buong maghapon na tumambay si Amira sa kung nasaan ang ate niya.

Natutuwa naman siya dahil nakakausap nga ito ng matino pero may mga pangyayari na hindi nito matandaan. Umalis lang si Amira dun nang malapit na ang party sa bahay nila Jane.

Nag-ayos siya sa bahay nila,nagsuot siya ng kulay itim na sweetheart sando dress na hanggang talampakan pero may slit naman iyon kaya mas kumportable siyang lumakad. Kulay itim rin ang heels niya at ang sling bag niya ay itim na may gold logo ng Gucci. Naka messy bun ang buhok niya at nag lagay ng sobrang simpleng make-up at kulay maroon na lipstick.

Queen Series 1: Amira Zaine LegazpiWhere stories live. Discover now