Dieciocho

4 1 0
                                    

Let go

Umalis si Amira at dumiretso sa kanyang silid, dahil nasasaktan siyang makita ang binata na umiiyak at nasasajtan dahil sa kanya. Nilapitan niya ang mga cabinet na pinag lalagyan ng kanyang mga damit, kinuha rin niya ang kanyang maleta at sinimulang ilagay roon ang mga gamit niya.

"At saan ka naman pupunta? Bakit ka nag iimpake?" sigaw ni Jethro kay Amira habang tinatanggal ang mga gamit ng dalaga sa maletang pinaglalagyan nito ng mga damit. Sumunod pala sa kanya ang binata ng hindi manlang niya namamalayan.

"I'm breaking up with you! Sabi mo pagod kana diba! Edi mag hiwalay na tayo!" balik ding sigaw ni Amira. Pero alam niya sa sarili niyang sinabi lang niya ang mga iyon  dahil iyon ang tingin niya'y tamang gawin sa mga oras na yon, dahil sa totoo ay nagagalit siya sa kanyang sarili, dahil nasaktan niya ito.

"Huh? Anong karapatan mong makipag hiwalay saakin! At ang sabi ko napapagod na akong intindihin ka hindi ko sinabing mag hiwalay na tayo!" pulang-pula parin ang mga mata ni Jethro halata ang pag iyak nito kani-kanina lang, pati rin ang mukha niya ay namumula narin dahil siguro sa galit o inis.

"At bakit may karapatan ka rin bang pigilan akong makipag hiwalay sayo? Matapos mong sabihing pagod na pagod kana saakin ganito sasabihin mo!" nag unahang tumulo ang luha ni Amira sa sobrang inis na nararamdaman. Hindi niya maintindihan ang kanyang sarili at ang binata, kanina lang ay galit ito sa kanya at pakiramdam niya ay makikipag hiwalay na sa kanya ang kasintahan, pero ganito naman siya ngayon.

"Ano bang gusto mong gawin ko? Sinabi ko naman sayong pagod ako, sinasabi ko naman palaging hindi ko gustong lumabas at makihalubilo kahit kanino." pumipiyok na sagot pa ni Amira habang pinupunasan ang pisngi dahil nabasa ito sa kanyang luha. Kahit gustuhin man niyang sumama sa kasintahan ay may kung ano sa sarili niya na natatakot makipag usap o maki halobilo sa kahit kanino. Ang takot sa kanyang puso ay hindi niya maintindihan, tanging kay Jethro lamang siya kumportable sa ngayon na kahit ang mga magulang niya na siyang kumupkop sa kanya ay kinatatakutan niyang makita.

Lumapit naman si Jethro kay Amira at hinagkan ito.

"I don't want to break up with you, because you're mine, Baby. Saakin ka lang, you said I'm your first boyfriend and I intend to be your last." madamdaming bulong ni Jethro at tumingin sa mata ni Amira na puno ng mga luha. Nakonsensya tuloy siya dahil pinipilit niya ang dalaga na sumama sa kanya, napa buntong hininga siya sa kanyang isip at napag pasyahang huwag nalang umalis. Kahit pa alam na niyang magagalit ang kanyang ina ay tatanggapin nalang niya ang galit nito basta at hindi niya pagsasalitaan ng hindi maganda si Amira.


"Yes, napapagod na ako pero kailangan ko lang naman ng ilang oras o kahit ilang minuto nga lang para mag-isip at okay na ako. Mahal na mahal kita kaya paano ko maiisipan na pakawalan ka pa. You are mine and I don't want to see you with other man."  Jethro gently wipes Amira's tears habang hinahalikan ang nuo nito at binubulong ang salitang "I'm sorry baby."



Magkatabi si Jethro at Amira sa kama, dahil gusto ng binata na tabihan siya matapos ang pag-aaway nila, habang si Jethro ay tulog na tulog ay nakatingala lang si Amira habang nag-iisip tungkol sa relasyon nila ng binata.

Hindi niya talaga alam kung bakit hindi niya masabing mahal niya ito, halo-halo ang nararamdaman niya ngayon, at nangingibabaw pa ang mga nakaraan niya. She's already tired, pakiramdam niya ay toxic na ang relasyon nilang dalawa. Alam din niyang hindi pa niya kayang suklian ang pagmamahal ng binata gayong magulo ang sarili niya ngayon.

She just wants to see, Selena. She needs to see her. Masakit man para sa kanya pero napag pasyahan na niyang sabihin bukas sa binata na aalis na siya. Kung makahanap man ito ng iba habang wala siya ay hindi niya ikagagalit iyon.

Queen Series 1: Amira Zaine LegazpiWhere stories live. Discover now