Once

4 1 0
                                    

Possessiveness

"Isinama mo pa talaga ako dito. Baka bigla kang magalit saakin dahil magseselos ako sa mga kakamayan mo, o kaya sa mga yayakap sayong babae." saad ni Amira sa kasintahan ng pasamahin siya nito sa isang business party.

"Hindi naman ako magpapa yakap, I don't want you jealous, don't worry. Isinama kita dito kasi ayokong ma bored ka sa bahay." bulong ni Jethto at hinalikan ang buhok ni Amira.

"Okay fine, pero sinasabi ko sayo hindi tayo bati kapag may pinag selosan ako dito." pagbabanta ni Amira.

"Copy that, baby." sabay kindat ni Jethro sa dalaga.

"Good boy." tumatawang sagot ng dalaga at pina-pat pa ang ulo nito. Umiling-iling naman si Jethro at inaya na siya paupo.

Tinatamad na si Amira dahil ilang oras na siyang naka upo, at naiirita rin siya sa mga babaeng lumalapit sa pwesto nila para lang harutin si Jethro, buti nalang at umiiwas naman palagi ang binata dahil may napag usapan silang bawal itong makipag harutan sa iba.

"Are you bored?"

"Oo, inaantok na rin ako." tamad na tamad na sagot ni Amira at sumandal sa balikat ng kasintahan.

"OMG! Jethro is that you? I miss you na, I'm nagtatampo sayo dahil you didn't sama me na mag lunch.. And Oh hi? You're the girlfriend diba?" naiiritang tumingin si Amira sa kararating lang na babae, ito rin ang babaeng nakita niya sa opisina ni Jethro.

Hindi na siya nag abalang sagutin ito pero nang makita niyang hahawak ang kamay ng babae sa braso ni Jethro ay agad niya iyong hinampas at hinila palapit sa kanya ang kasintahan.

"Ouch! Gosh... Ansama ng ugali mo, I can't believe it that you and Jethro are in relationship." nagpapabebeng saad ng babae kaya siniringan ito ni Amira.

"Ganun talaga pag maganda maraming nagkaka gusto. Kung hindi mo din naitatanong patay na patay saakin tong si Jethro, di kasi ako maarte at conyo katulad mo." sarkastikong sagot ni Amira at ngumiti pa ng peke sa kaharap na babae.

"Hihiwalayan ka rin naman ni Jethro, he will not settle sayo, kasi you're mean. Maghahanap din naman siya ng iba in the future." parang isip bata na saad ng babae, akala naman niya ay magagalit niya si Amira dahil lang dun..

"Edi maghanap siya, pakialam ko naman kung makahanap siya ng iba at least pag dumating ang araw na yun hindi parin naman ikaw yung mahahanap niya diba?" mataray na sagot ni Amira at hinawi pa ng maarte ang kanyang buhok.

Naramdaman nalang niya ang paghawak ni Jethro sa kanyang kamay at hinila siya palabas ng hindi nagpapaalam sa kahit na sino.

"Uuwi na tayo?" masiglang tanong ni Amira.

"Yeah, baka kasi mapaaway ka pa dun." natatawa at umiiling na sagot ni Jethro.

"Tabi tayo matulog? Ay hindi nga pala pwede."

"Nah, it's fine. Wag mo lang akong aakitin, the last time na ginawa mo yun ay sobrang sumakit ang puson ko." parang nahihirapan talagang sagot ni Jethro, tumawa naman si Amira ng maalala kung bakit nga ba iyon nangyari.

"Hindi naman kita inakit nun ah... Nasagi ko lang yung ano mo, kasalanan ko ba yun?"

"Nasagi mo? Sinadya mo yun Amira."

"Oyy makapag bintang naman to, aaminin ko na dapat hahawakan ko talaga kaso bigla ka naman lumapit kaya natuloy yung dapat gagawin ko. Kaya kasalanan mo din yun." pag didipensa niya sa sarili. Hindi naman talaga niya sinasadya na mahawakan ang sandata ng kasintahan, bibiruin lang sana niya ito pero biglaan ang paglapit nito sa kanya.

Queen Series 1: Amira Zaine LegazpiWhere stories live. Discover now