Dieciseis

6 1 0
                                    

For the rest of my life.

Napasigaw si Amira dahil sa sakit na nararamdaman habang hinihila ng babae ang buhok ng dalawang bata na sina Selena at Solaina, kinakaladkad ng ina nito ang dalawa papunta sa basement hindi alintana ang sigaw at iyak ng dalawang bata, patuloy lang ang paghila nito sa buhok ng mga anak pagkapasok sa basement ay hinarap nito ang dalawang bata bago pinag sasampal. "Do you think you can escape in this house! You two! I will make sure that you'll die here!" sigaw ng babae at muling sinabunutan ang dalawang bata na patuloy lang sa pag iyak.

Hinihingal na bumalikwas si Amira galing sa masamang panaginip, huminga siya ng malalim bago pinakalma ang sarili dahil nanginginig nanaman siya.


Makalipas ang ilang minuto ay napagpasyahan niyang lumabas at kumuha ng tubig, nanginginig ang kamay niya habang umiinom ng malamig na tubig, pagkababa ng baso ay nakita niya ang kasintahan na nakatayo sa kanyang harap.

"Nightmares again?"

Tumango si Amira kahit wala na siyang lakas, naramdaman nalang niyang marahan siyang hinila ni Jethro at ikinulong siya sa isang mahigpit na yakap. Hinalik-halikan nito ang bumbunan niya habang bumubulong ng mga salita.

"You'll be fine. Everything will be fine, Baby, I'm here...I'm just here always. I won't leave you." hindi malaman ni Amira kung bakit bigla nalang siyang humagulgol sa bisig ng kasintahan, habang hinahagod nito ang kanyang buhok at likod.

Binuhat ni Jethro si Amira dahil nanghihina parin ito, umupo siya sa sofa habang ang dalaga ay nakaupo sa kanyang kandungan at mahigpit paring nakayakap sa kanya. Hindi na ito umiiyak gaya ng kanina pero rinig parin niya ang hikbi nito kaya mas hinigpitan niya ang yakap sa kasintahan para iparating na pwede itong umiyak sa kanya.

Lumipas ang isang oras at nagsisimula naring lumiwanag sa labas pero si Amira ay nakayakap parin kay Jethro na tila ayaw ng bumitaw.

"I'll cook our breakfast, baby. What do you want to eat?" umiling lang si Amira at mas lalo lang isiniksik ang sarili sa kasintahan.

Dahil mukhang ayaw magpababa ni Amira ay tumayo nalang si Jethro para mag handa ng kakainin nila ng dalaga, ang isang kamay niya ay nakasuporta kay Amira para hindi ito malaglag, habang ang isang kamay ang ginagamit para makapag luto siya.

Habang nagluluto ng scrambled egg at pancake ay pabaling-baling si Jethro kay Amira para gawaran ito ng halik sa pisngi, hindi na talaga bumitaw sa kanya ang dalaga, nakasandal ang kabilang pisngi nito sa balikat niya at nakayakap ang dalawang kamay sa kanyang leeg.

Natapos ng magluto si Jethro at nailagay na rin niya ang mga naluto sa hapag kainan pero hindi parin talaga bumitaw si Amira, kaya nakaupo siya ngayon habang nasa kandungan ang kasintahan at nakaharap sa kanya. Sinubuan nalang niya ang dalaga hanggang sa matapos silang mag agahan.

Bumalik sa sala si Jethro na pangko parin si Amira, sinubukan niya itong ilapag sa sofa pero umiling lang ang dalaga at narinig niya ang pag hikbi nito kaya muli niya itong pinangko at lumabas nalang ng veranda. Umupo siya sa duyan at inipon ang buhok ng kasintahan para matalian ito, mugto ang mata nito at kitang-kita ang panghihina ng dalaga.

"What are you feeling right now? You know, you can tell me everything, baby." saad ni Jethro matapos maayos ang buhok ni Amira, unti-unting idinilat ni Amira ang mga mata at sakit at pagsisisi ang nakita ng binata sa mga mata nito.

Parang nawarak ang puso ni Jethro ng sunod-sunod na tumulo ang luha ni Amira, napaka sakit para sa kanya na makita ang babaeng minamahal na nasasaktan at umiiyak sa kanyang harapan.

Queen Series 1: Amira Zaine LegazpiWhere stories live. Discover now