Diez

3 1 0
                                    

LABEL

"How's your day?" tanong ni Jethro sa dalaga habang sinisuklay niya ang buhok nito gamit ang mga daliri niya.

Kasalukuyan na silang nasa bahay at nanunuod ng telebisyon.

"Okay lang, masaya." simpling sagot ni Amira.

"Akala ko mag tatrabaho kana agad sa kompanya ko."

"Hindi na muna, magpapaka dora muna ako ngayon. Pagod na pagod na nga akong mag-aral tas mag wowork pa ako agad. Pahinga muna ako."

"You don't have to work baby, kaya ko namang tutusan ang mga pangangailangan mo." mahinang sagot ni Jethro at hinahalikan ang sintido ng dalaga.

"No thanks, gastusin mo nalang yan sa magiging anak natin. Binibigyan naman ako nila daddy ng pera, tsaka pinag bigyan na nga kita na libre na ako dito sa condo mo. Kahit pa nga gusto kong ako na ang magbabayad kapag mag gro-grocery tayo."

"So you want to have a baby with me?" may bahid ng saya ang boses ni Jethro habang tinatanong iyon sa dalaga.

"Sa dami ng sinabi ko yan lang talaga narinig mo."

"Of course! Because if you're thinking of having a baby with me, that means you will marry me!" kuminang ang mga mata ni Jethro na akala mo ay nanalo ng napaka laking halaga sa loto, na akala mo ay ibinigay sa kanya ang isang bagay na gustong-gusto niya. Ngumiti nalang si Amira at hindi pinansin ang sinabi ng binata, dahil maging sa sarili niya hindi niya malaman kung handa na ba siya sa bagay na iyon.

Nakita ni Jethro sa mata ni Amira ang takot nang sinabi niya ang salitang kasal kaya hindi nalang niya dinugtungan pa ang sinabi at ipinag sawalang bahala ang mga nararamdaman pa niya tungkol don.

"Ahm..Let's eat?" pag-iiba ni Jethro sa usapan, at para narin makalimutan nila ang napag usapan nilang dalawa. Walang imik naman na tumango si Amira at sumunod sa kanya sa kusina.

Pinag tulungan nilang dalawa ang pagluluto at paghahain ng pagkain nila, tahimik silang dalawa pero wala namang ilangan na nararamdaman si Amira, dahil siguro hindi naman ipinararamdam ni Jethro na kailangan niyang mailang sa mga sinabi nito.

"Good night." mahinang sambit ni Jethro at hinalikan si Amira sa nuo bago iniwan ang dalaga sa silid nito para makapag pahinga na sila.

Pagkalabas ni Jethro ay nilukob ng konsensya si Amira, nakokonsensya siya dahil pakiramdam niya ay hindi nagustuhan ni Jethro ang hindi niya pag sagot dito, pero dahil sa pagkakakilala niya sa binata ay tinatago nito sa kanya na okay lang siya.

Pinilit ni Amira na makatulog pero dahil sa gumugulo sa isip niya ay umaga na ng makatulog siya. Nagising siya ng tanghali at nasa trabaho na si Jethro.

Napa buntong hininga siya habang ipinapainit ang agahang niluto ni Jethro para sa kanya. Tulala siya habang kumakain pati sa pag ligo ay parang lutang parin siya. Nagising lang ang diwa niya ng may tumawag sa kanyang cellphone.

"Amira kamusta kana, anak?" tanong ng ina niya.

"Okay lang po ako, mommy." matamlay na sagot ni Amira.

"Hindi ka naman mukhang okay, nag-away ba kayo ni Jethro?"

"Hindi naman po."

"Huwag kang mag sinungaling saakin. Parang may mali talaga sa tono ng boses mo."

"Hindi kami nag-away mommy, ganito kasi yun." at ikinuwento ni Amira ang nangyari at mga bumabagabag sa kanya.

"Anak, hindi naman talaga minamadali ang kasal. Pero dahil sa sinabi mong anak or something syempre magkakaroon talaga siya ng hope na baka, baka naiisip mo na ang future mo sa kanya. Bakit nga ba hindi mo siya nasagot? Anong bumabagabag sayo Amira?" mahabang lintanya ng ina niya. Bumuntong hininga si Amira bago magsalita.

"Alam mo naman po na takot ako sa ganun. Saksi ako kung paano nawasak ang dalawa kong kapatid dahil sa taong minahal nila, idagdag mo pa si Jane. Mommy tingin mo hindi ako matatakot kung halos lahat ng mahal ko sa buhay ay nagkaganun dahil lang sa pag-ibig?"

"Sinasabi mo bang hindi mo mahal si Jethro? Kung ganun ay bakit ka nakatira sa kanya? Bakit gusto mong malapit ka sa kanya kung wala ka naman palang nararamdaman. Ano ba siya sa buhay mo anak?"

"Hindi ko din po alam, nalilito ako. Sa ngayon ay bukod sainyo si Jethro po ang pinaka mahalagang tao sa buhay ko. Pero natatakot ako, natatakot po akong malaman kung ano nga ba itong nararamdaman ko. Mommy nakakatakot mag mahal, at tingin ko hindi ko yun maibibigay ng buo sa kanya ng walang takot at pangamba." hindi na napigilan ni Amira ang pag iyak habang kausap ang ina.

"Shhh...Don't cry, baby. Kung hindi ka pa handa sa bagay na iyon hindi mo kailangan ipilit. Ipakita at iparamdam mo nalang sa kanya kung gaano siya kahalaga sayo. Believe me Amira, if you don't take risk, you won't feel the true meaning of love. But true loves can wait, just take your time, hindi ka minamadali ni Jethro o ng kahit sino."

"Thank you, My. Maglilinis lang po ako dito sa condo."

"Hm...By the way, is he your boyfriend na?"

"Hindi po."

"What! And you're live in. My God, Amira. Ano ba yang mga ginagawa mo."

"Eh hindi ko din sure, Mommy. Para saakin naman kasi boyfriend ko na siya, kaso sabi niya manliligaw ko palang siya. Kaya magulo pa? Hehe sorry my."

"Edi sabihin mo sa kanyang mag on na kayo, para naman medyo makampante naman siya. Kawawa naman ang future son-in-law ko. Sige na bye my dear, I love you."

"I love you din po, My." maginhawang nag linis ng condo si Amira, nilabhan rin niya ang mga damit nila ni Jethro na nasa labahan na. Pagkatapos ay nagpahinga lang siya saglit bago nagluto ng kakainin nila.

Pagkatapos niyang gawin ang lahat ng kailangan ay nagpahinga lang siya saglit bago pumasok sa banyo at naligo. Madilim na sa labas at si Jethro nalang ang hinihintay niya.

Napangiti siya ng marinig ang tunog ng pintuan nila, hudyat na may pumasok na. Umalis si Amira sa veranda para salubungin si Jethro. Seryoso at mukhang pagod ang mukha ng binata kaya kinabahan si Amira na baka galit ito sa kanya.

Nilapitan niya agad ito at niyakap sa bewang, ibinaon niya ang mukha niya sa leeg ng binata at unti-unti niyang naramdaman ang pagtugon ni Jethro sa kanyang yakap.

"Nag luto na ako ng pagkain natin, ikaw nalang ang hinihintay ko." medyo nahihiyang saad ni Amira. Tumingin siya sa binata at nakatitig ito sa kanya at seryoso parin ang itsura. Tumingkayad siya at hinalikan sa labi ang binata, ramdam niya ang pagkagulat nito kaya pinutol muna niya saglit ang kanyang halik.

"Ahm...Je...Jethro, I mean...Baby?"

"What is it?" parang namamanghang tanong ni Jethro kay Amira, kita ang ngisi sa kanyang labi at kinang sa mga mata.

"Ahm...Ano...Can you be my boyfriend? Ano kasi diba, nililigawan mo ako pero nag kikiss na tayo, tapos magka live-in tayo. Diba dapat may label na tayong dalawa?" hiyang-hiya na tanong ni Amira habang nakayuko at pinaglalaruan ang mga daliri.

"Is that so? Kiss me then." mahihimigan ang tuwa sa boses ng binata na pilit nitong itinatago. Nag-angat naman ulit ng tingin si Amira sa kasintahan at muli itong hinalikan sa labi, tinugon naman iyon ni Jethro at mas pinalalim pa ang halikan nilang dalawa.

"You are mine now, Amira. Only mine." tumango lang si Amira sa sinabi ng binata at muling nagtagpo ang mga labi nila.

Queen Series 1: Amira Zaine LegazpiWhere stories live. Discover now