Vente-uno

4 1 0
                                    

TRIGGER WARNING: SUICIDE

Broken glass

Matapos ng isang linggong pamamalagi ni Amira sa hospital ay pinayagan na rin siyang umuwi. Nakaupo siya ngayon sa sala habang nanunuod ng kung ano sa telebisyon nang mapadaan siya sa isang channel kung saan ibinabalita ang mga mayayamang businessman sa buong bansa.

Pero hindi iyon ang nagpatigil sa kanya sa estasyong iyon, kundi dahil nakita niya ang pangalan ng dating kasintahan. "The dark tall and handsome rich bachelor, Jethro Linus Marquez is now engage to the most known model, Spring Delos Santos." kinagat ni Amira ang ibabang labi para pigilan ang luhang nagbabadyang tumulo galing sa kanyang mata.

Kakaibang sakit ang dinulot ng balitang iyon sa kanya, kaya nang gabi ring iyon ay hindi siya nakatulog ng maayos.


Ilang buwan ulit ang lumipas at wala siyang pinagbago maliban sa pagbagsak ng kanyang katawan ay palagi parin niyang sinusubukang magpakamatay.

Katatapos lang maligo at mag bihis ni Amira, habang sinusuklay ang mahabang buhok ay nakatitig siya sa sarili niya sa malaking salamin na nasa silid niya.

Lubog na ang pisngi niya pero hindi naman siya nagmukha buto lang, nahulma lang lalo ang mukha niya at mugto ang mata niya dahil sa kakaiyak. Walong kilo ang nabawas sa kanya dahil sa hindi niya pagkain ng tama.

Unti-unti niyang nilapitan at hinawakan ang repleksyon niya sa salamin.

"Anong nangyari sayo, Amira?" mahinang pagkausap niya sa sarili. Pumatak nanaman ang mga luha niya ng maalala kung paano siya kaligaw ngayon, naiwala nanaman niya ang sarili niya.

Nang unang taon na hiwalay sila ni Jethro ay pilit niyang hinanap ang rason kung bakit kailangan niyang bumitaw, pero nagdaan ang taon ay natantong walang ibang problem kundi ang sarili lang niya.

She lost herself, she's lost again, she's alone again...

Muli niyang tinignan ang sarili at sa frustration na nararamdaman niya ay ibinato niya ang baso na nakalapag sa table malapit sa kanya.. nabasag ang salamin sa harap niya pero hindi tuluyang nalaglag ang pira-piras nito.

Pumulot si Amira ng isang piraso ng basag na salamin, handa na niya sanang itarak iyon sa pulso niya pero may sumigaw sa labas ng pinto niya.

"T*NGINA! BUKSAN MO TO, AMIRA!" sigaw ni Jane habang kinakatok ng malakas ng pintuan ng silid ni Amira.

Umupo si Amira habang nakaharap parin sa basag na salamin. Hawak parin ang isang piraso ng salamin ay unti unti niya itong hinigpitan ng kapit kaya umagos ang dugo na nanggagaling sa kanyang palad. She looked like a broken glass, katulad ng basag na salaming nasa harap niya.

Sunod-sunod na ang katok ni Jane sa pinto ni Amira, kahit pinapakalma na siya ni Hero ay parang wala siyang naririnig. Maya-maya lang ay tumayo si Amira at binkusan ng maliit ang pinto at itinago ang kamay na may sugat sa kanyang likod.

"Umuwi kana, Jane. I don't need anyone right now. Gusto kong mapag-isa." gumagaragal na boses na saad ni Amira.

"Who told you that you don't need me!" galit na sigaw ni Jane at itinulak ang pinto ni Amira at dahil nanghihina na si Amira ay tuluyang nakapasok ang kaibigan sa silid. pero sinarado naman iyon ni Jane at nilock ang pintuan niya.

"Ayan ka nanaman, Amira! Kapag nakita ko pang may sugat ka pa sa kamay mo ako na talaga ang papatay sayo!" galit na sigaw ni Jane sa kaibigan at hinanap ang first aid nito sa banyo.

Queen Series 1: Amira Zaine LegazpiWhere stories live. Discover now