Chapter 6

290 13 19
                                    


Michelle's PoV

I was so tired the whole week. Marami kasing libro ang ilalabas sa buwan na ito and majority of them are long novels. Kailangang i-edit nang masinsinan ang mga manuscript bilang mga kilalang manunulat ang utak nito. And we have to build a new strategy to advertise those books since parang nagiging old school na ang ginagawa namin. Our competitors has a new advertising strategy na mukha namang effective. Since we ranked number two na noong nakaraang buwan ay nasa unahan, we have to step up our game.

"Busy?" Dean called me during our lunch.

"Medyo...we had two meetings this morning," kwento ko.

"Eat your lunch na, later nalang ako tatawag. I love you," he said.

"I love you too," I responded.

While eating at our pantry, dala-dala ko ang laptop ko to finish Marie Ledezma's manuscript. I'm with Heather, as usual. Maging siya ay dala-dala ang laptop niya upang tapusin ang trabaho niya.

"Eating while working?" Pareho kaming napalingon sa nagsalita. It was sir Drei.

"Uy, sir! Kain," anyaya ni Heather kahit pa may laman ang kaniyang bibig.

"Sit down, eat," natatawang sabi ni sir Drei. "You two seems to be quite busy," puna niya. "All of us were but you're eating while working."

"Kailangan sir. Masyadong mahaba ang manuscript ni miss Ledezma," sagot ko naman sabay subo sa aking pagkain.

"Ayaw ni miss Hidalgo 'yung marketing strategy na plinano natin Drei. Na-i-stress na ako," malungkot na sabi ni Heather sabay balik muli sa ginagawa.

"We'll have another meeting for that tomorrow. Masyado na kayong bugbog sa meeting today. Finish your food then work afterwards," aniya at umupo sa may kabisera.

"Gusto niyo?" He offered his newly cooked steak from the cafeteria.

"Okay lang sir. Go mo na 'yan," aniko.

After lunch ay bumalik na agad kami sa aming mga desk. The whole office was too busy to even mind their appearance. Ang iba ay gulo-gulo na ang buhok at ang iba naman ay halos makatulog na sa sobrang pagod. Hindi pa man bumababa ang araw ay pagod na ang lahat. Marami rin kasing meetings outside and inside the office. Mahirap pa kausap ang mga choosy authors.

Sumasakit na ang mata ko sa ine-edit na manuscript. Kailangan ko na atang magsalamin. Hindi lang mata ang pagod sa akin pati na rin ang buong katawan.

Huminga ako nang malalim nang matapos ko ang manuscript ni miss Ledezma. Agad ko itong inayos at tumayo na para ibigay kay miss Carie.

"Manuscript po for Jigsaw," aniko, tinutukoy ang nobelang inaayos kanina.

"Tapos na? Ang bilis mo ha," nakangiting komento ni miss Carie, bakas pa rin ang pagod sa mukha.

I only smiled at her.

"You can make an early out. May meeting ka with three different authors bukas, right?" She asked.

"Opo," sagot ko.

"Sige na, tapos mo na naman ang trabaho," aniya at inayos ang kaniyang salamin.

"Thank you po," pagpapasalamat ko.

Bumaba na muna ako upang mag-out at tinext si Dean na maaga akong uuwi. Agad naman siyang sumagot na on the way na siya. Pag-akyat ko sa office ay mabilis kong inayos ang gamit ko. Bahagyang magulo na ang lamesa ko kaya naman ginamit ko ang oras ng paghihintay sa pag-aayos ng lamesa.

Nang mag-text siyang nasa baba na siya ay nagpaalam na ako sa mga kasamahan upang umuwi na.

"Hay!" I sighed as I hugged him tight.

The Monster Inside HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon