Chapter 13

261 12 11
                                    


Michelle's PoV

Words are not enough to describe how mad I am. Parang nilulukot ang puso ko at pabigat nang pabigat ang paghinga ko. Pakiramdam ko ay iniipit ako at kaunting hangin lang ang nalalanghap ko.

Papasok pa lang ako sa courtyard nang higitin na niya ang kamay ko. He made me face him. I glared at him as if I am killing him on my head.

"Sorry...Tine sorry. Alam ko kasing hindi ka papayag. I know that you wanted to celebrate and you'll get offended kung sasab—" I cut him off.

"Does it hurt your ego to tell me the truth?" I raised my left eyebrow.

"Hindi naman sa gano'n...pero kasi... Look, babe. You're looking forward sa celebration natin. I don't want to offend you or something," pagdadahilan niya.

"But you already did. I am looking forward to this anniversary. Kasi ito nalang 'yung time natin to be together. Pero ano? You could've told me na may lakad ka so hindi na kita sinama sa pamimili ko," I snapped.

"Palalakihin pa ba natin 'to?" Punong-puno ng pag-aalinlangan ang kaniyang tinig.

"That's your card. That 'palalakihin pa ba natin 'to?' will always be your card to get out of our argument. Why do you...why do you think so low of my capabilities on understanding things? Sobrang complicated ba ng iniisip mo para hindi ko maintindihan?"

"Celestine..."

"Hm? Why? Bakit Dean? Dahil mas matalino ka? Parati nalang hindi mo maiintindihan! Tine you wouldn't understand if sinabi ko sa'yo. Tine kumplekado. Tine mahirap i-explain..."

I felt betrayed. Pakiramdam ko ang hirap-hirap abutin ng expectations niya. I have dedicated three years of my life with him. And in those years I keep on reaching him. Tatlong taon na kami pero kinukuha ko pa rin 'yung tiwala niya. Pinipilit ko pa ring ipaintindi sa kaniya na maiintindihan ko.

He's full of secrets. Ang parati niyang sasabihin sa akin ay hindi ko maiintindihan. Ganoon ba ako katanga sa paningin niya? Do I look stupid? Do I look like an idiot to him?

"Why is it so hard to reach you?" I sighed.

Tinignan lamang niya ako. Hindi sinasagot ang mga tanong na binato ko sa kaniya. Noon, natatakasan niya ang mga away namin sa pamamagitan ng pagtatanong kung dapat ba namin 'yung palakihin o kaya naman hindi namin 'yun dapat pag-awayan. Pero hanggang kailan siya tatakas?

Akala ko ba problems can be solved by talking to each other? Why is it so hard to fix a single argument with him?

"Huwag naman dito, Tine," pagmamakaawa niya.

"Walang pakielam sa atin 'yung mga tao rito. Hindi ka sikat para pagkaguluhan," aniko.

Tinalikuran ko na siya at nagpatuloy lang sa pagbalik sa mga kaibigan. Hanggang do'n ay sinundan niya ako. My friends became awkward because of him pestering me. Kahit sino naman ay ma-a-awkward-an kung may kasamang kinukuklit ng kasintahan.

"Can you stop?" Mahina pero may bahid ng inis kong baling sa kaniya. "Excuse," I stood up and dragged him out.

Napunta kami sa parking at doon nag-usap. Para naming pinapatay ang kasiyahan ng mga kaibigan ko kung do'n pa kami mag-aaway.

"Babe... let's made up, please?" Tinignan ko lang siya. He bit his lower lip and comb his hair before talking again.

"Hindi naman kita ginaganito 'pag hindi ka nakakapunta sa mga lakad natin, hindi ba?" He's now gaslighting me.

I smirked. "Are you manipulating me?"

"Wha—no!" Dipensa niya. "Love, sorry na please? Forgive me..."

The Monster Inside HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon