Chapter 8

264 13 12
                                    


Michelle's PoV

"Careful," si Dean.

It's been months since nakauwi si Moira. Tinuturuan ako ngayon ni Dean na magmaneho since may balak akong bumili ng sasakyan. He has been teaching me for a month now. Every weekend ay pumupunta siya sa bahay para turuan ako.

Nagagamay ko na naman ang pagmamaneho. Ayaw ko nga sanang ang sasakyan niya ang gamitin at magdriving school nalang since malaki ang sasakyan niya. But he insisted na mas magandang masanay ako sa malaking sasakyan para kung SUV ang plano kong bilhin ay hindi ako mahihirapan.

"Liko ka, love. Dahan-dahan lang," utos niya. We're in their village para wala masyadong sasakyan.

Unti-unti kong niliko ang sasakyan sa direksyong itinuro niya. He has been so patient on me.

"Nice!" He exclaimed.

"P'wede na ba akong maging driver?" Birong tanong ko.

"Yup! You improved so much," aniya at hinalikan ang aking noo.

"Balak kong kumuha na ng kotse next weekend," sabi ko naman.

Tumango-tango siya, "go for it. Kaso mukhang malabo akong makasama sa'yo sa pagbili... I'm kind a busy next week."

"Okay lang 'yun, ano ka ba?" I said.

Pagkatapos namin ay bumalik na kami sa kanila. Umalis ang parents niya and may trabaho naman ang mga kapatid niya kaya kami lang ang naroon. I decided to cook tinola for him. Nakita ko kasi kaninang puro fried foods ang kinakain niya. Hindi rin maganda 'yun dahil masyadong maraming mantika at hindi pa siya nakakakain ng gulay. I asked him if we could go to a near market para makabili naman ako ng ingredients. He instantly obliged naman.

"Masarap ba 'yan?" Mapang-asar niyang tanong.

He embraced me from the back and rested his chin on my shoulder. Damang-dama ko ngayon ang bawa't paghinga niya. It sends chills on my spine.

"Doon ka na muna," sabi ko.

"Gusto ko rito," kontra niya.

"Hindi naman ako mawawala, sige na," I chuckled. Hindi pa rin siya nakinig, nanatili siyang nakayakap sa akin at nanonood habang nagluluto ako.

Nang matapos ako magluto ay nakita ko siyang hawak ang cellphone ko. Tinignan ko kung ano ang ginagawa niya, he's on my Instagram feed. Kumunot naman ang noo ko at umubo nang peke.

"Lots of people liked your photos," he said. "Your phone rang so many times so I got curious. You have so many followers."

"It's my readers," sagot ko naman.

"I want to be your number one fan," pabiro ko siyang tinaasan nang kilay.

"You are my number one," I smiled.

"Uh-hmm, but I think that's not enough. I'll make an Instagram so that I would be the first one to like all of your photos," anunsyo niya.

Nilapitan ko naman siya at hinalikan sa labi. "You don't have to do that to be my number one fan. It's enough that you're here."

"No! I want to be your number one fan personally and in social media," he contradicted.

Hindi na ako nagsalita pa dahil mukha namang determinado siya sa sinabi niya. He's not the kind of person kasi na mahilig mag-post at mag-update ng buhay niya sa social media. He's lowkey. Kaya hindi ko na inisip na necessary ang paggawa niya ng instagram account just to like all of my photos.

Nang makauwi ay sunod-sunod ang tunog ng aking cellphone. Nang tinignan ako ay awtomatiko akong napangiti.

deanicolas liked your photo.

The Monster Inside HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon