Chapter 31

472 10 1
                                    

Trigger Warning: Hallucinations and suicide

Andrei's PoV

Walang araw na hindi ko inisip ang kalagayan ni Michelle. Pumapasok siya pero parang wala naman siya sa sarili niya. I keep on requesting Claudia to go here for Michelle. Pero kahit siya ay hindi na niya magawang kunin ang loob ni Michelle. She's more reserved. I know that she's only protecting herself. I know that she's scared...

Hindi ako pinapatulog ng utak ko sa gabi. Parati ko nalang naiisip na paano kung hindi na niya kayanin? I wanted to be by her side. 'Pag mabigat na, 'pag hindi na niya kaya...nandito lang ako. Naghihintay na lumapit siya at buksan ang sarili niya.

"How is she?" I asked Marco.

Bigo itong umiling, "I think she needs to rest, Drei. She's not like this. She's...s-she's not her anymore. Mali 'yung ibang naipapasa niya. Madalas tulala na rin siya o kaya naman makikita mo nalang sa smoking area, nagtatakip ng tainga."

Parang dinudurog ang aking puso sa mga naririnig. It was painful to hear that the last woman you want to see hurting is losing herself. Ang ginawa lang naman niya ay ang magmahal...ang kaso ay napunta siya sa maling tao. I don't know if she has more problems than Dean and her baby but I am ready to listen.

Paglabas ko ng office ni Marco, nahagip agad ng tingin ko ang babaeng tinitibok ng puso ko. Nakatalikod siya, pinagmamasdan ang mga sasakyang tanaw mula sa glass wall sa kaniyang harapan. Dahan-dahan akong lumapit patungo sa kaniya. Naramdaman ko rin ang mga mata ng mga empliyado sa akin. May iilang bumati at may roon namang tinitigan lang talaga ako.

I saw her face, it's different but still holds the beauty it owns. Kagat-kagat ko ang labi ko at sandali pa siyang tinitigan. It breaks my heart seeing her like this. Kinalabit ko siya gamit ang isang daliri. Kumunot ang noo ko nang halos mapatalon na siya dahil sa ginawa ko.

A smile suddenly flashed to her face when she turned to me. Tipid kong binalik ang ngiting iyon. Deep inside my mind, I know that she's just hiding her pain through that smile. She's acting fine but in reality, she's injured and barely living.

"Hi, good morning!" masaya niyang bati.

Alam kong pilit iyon. I stared at her for seconds before sitting on the edge of her table, right hand on the pocket.

"Do you have time? I have something to say," I pensively said.

Her eyebrow furrowed, "check ko," she giggled.

May iilan siyang pinindot sa monitor niya bago binalik ang tingin sa akin.

"Lunch na pala, we can talk right now," she said.

Tumango ako at inilahad ang aking kamay upang maalalayan siya sa pagtayo. Luckily, she accepted it. We ended up talking in a near restaurant. She keeps on smiling when our eyes would meet but she spaces out frequently. I also noticed her scratching or pinching her palms. Pinagmamasdan ko lang siyang laruin ang pagkain niya gamit ang tinidor. I'm constructing words from my head that wouldn't offend her.

"May...dumi ba sa mukha ko?" She chuckled.

Umiling ako at hindi pa rin inaalis ang mata sa kaniya. "Would you like to have a leave? P'wedeng ako na mismo ang mag approve, if you want to rest."

Natigilan siya ro'n. Narinig ko pa ang kaniyang pagbuntong hininga. She then smiled at me, weakly this time.

"Kaya ko, Drei. Kaya ko," she responded and looked away.

"I just assumed that everything's too quick for you. Baka kailangan mo lang na ipahinga 'yung katawan mo, maybe to reflect?" Banayad kong sabi.

Sa totoo lamang ay napakalakas na ng pintig ng aking puso. Nanlalamig din ang mga palad ko. Her stares scared me to death. I am also frightened that I might trigger something in her.

The Monster Inside HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon