Chapter 30

497 10 0
                                    


Andrei's PoV

"Can you enlighten your mom, please? Bakit gusto mo maging publisher when you can lead the whole Avanzado?" Malambing na tanong ni mama.

Simula noong nalaman kong nag-offer ang dating publisher ng trabaho kay Michelle, bigla ko nalang ginusto na sa story lab na muna magsimula. In fact, maganda iyong nagsisimula sa mababa bago tumaas. Kailangan ko munang masanay na pamunuan ang ilang mga empliyado bago ang libo-libong tao.

"For experience?" I shrugged.

Tinitigan ako ni mama nang masama ngunit wala na rin naman siyang nagawa roon. I served as an assistant publisher for a year at nang sumunod na taon, nag-retire na si miss Steph. She mentored me in how to run the story lab. Sakto namang fresh graduate noon si Michelle.

Nag-ayos ako higit sa madalas na ginagawa. I brushed clean my hair, fixed my tie, sprayed some imported perfume. Lahat na ata ng paghahanda ay nagawa ko na. I was just trilled to meet her. To see her everyday and to breath the same air with hair. God, I'm crazy!

Unang beses ko siyang nakita ay agad na akong nangatog sa kaba. She has this aura that would make you nervous. She was so stunning and I just feel so small beside her. Kahit pa mas mataas ako sa kaniya, pakiramdam ko sa tuwing matatabi kami ay mas angat siya sa akin.

Ilang linggo ang lumipas na kasama ko siya at parating nakikita. I started to notice things I wasn't able to see. I began to memorize every bit of her. In how she makes her coffee black and with less sugar. How she eat and work at the same time. In how she always wear a long skirt at work. Her orangy lipstick. Her captivating laugh. Iyon bang mahahawa ka nalang bigla sa tuwing tatawa siya. At sa tuwing ngingiti ay mawawala ang puti ng kaniyang mga mata.

Madalas akong nakikinig sa mga kuwentuhan nila Heather sa tuwing sasapit ang break. May kung ano sa kaniyang mapapatitig ka nalang. I love hearing her voice. I like everything about her. Specially, her intelligence.

But I woke up in my senses when I saw the teardrop ring on her. I know what it means the first time I saw it. Hindi ko lang iyon tinatanggap sa aking sarili. Why didn't I think of that? 

She's destined to marry someone else. I respect that. I started to put limitations when she's near. I refrain from falling harder. Nirerespeto ko ang relasyon niya sa kung sino man at mas mataas ang respeto ko sa kaniya. 

Pero habang tumatagal, sa tuwing mapupukaw niya ang atensyon ko ay may iba akong nakikita. She became someone I didn't know. She just became different as time went by. May kung ano sa kaniya na hindi ko madipena. She looked burned out. Inisip ko na siguro'y dahil iyon sa dami ng trabaho. 

Gusto ko sanang isawalang bahala iyon. Pero kahit kailan ay hindi ako iniwan ng pag-aalala sa kaniya. She wore slacks now. Maganda naman at bagay sa kaniya iyon but something in her new routine wasn't able to make me at peace. It even drumed my whole system.

Madalas na siyang nag-o-over time. Minsan nga kahit wala na akong ginagawa, I still choose to stay so she can have company. Labag sa loob kong umuwi nang maaga sa kaalaman na mag-iisa siya rito pagsapit ng gabi.

I went to Gier's home that day when I saw her near the mall. Bowing her head while walking sluggishly. She's pouting. Nakikita pa ba niya ang dinaraanan niya? 

I didn't think twice before I stopped beside her. May hawak siyang paper bag na mula sa watsons. Mukha iyong mabigat kaya mas lalo akong na-curious kung ano ba iyon. Ayaw pa sana niyang sumakay ngunit pinilit ko siya. It's nearly midnight, hindi mgandang nakikita siyang naglalakad at baka kung ano pa ang mangyari sa kaniya.

Nang nakita ko ang laman ng dala-dala niya ay alam ko na agad kung para saan iyong mga 'yon. Kaya naman kumunot ang noo ko nang sinabi niyang kaartehan iyon. Ang fiance niya ba ang may sabi no'n? Bakit?

The Monster Inside HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon