Chapter 12

251 14 16
                                    


Michelle's PoV

The office feels so quiet when Heather is not around. Maybe it's just me. Nasanay lang kasi ako na narito siya. Kahit nakakausap ko naman ang iilang mga empliyado ay hindi pa rin ako sanay na walang chika mula sa kaniya ang bubungad sa akin sa tuwing darating ako. Walang sasalubong na matining na boses. She keeps me sane in this toxic place because of the new EIC. Siya lang din kasi ang nakasanayan kong kasama tuwing lunch maliban kila Jillian at Marco.

She resigned. Hindi naman ako masyadong naalulungkot dahil it's for her growth. Siguro na-mi-miss lang. Unang araw na wala siya. It feels so boring.

"Ang sabi ni dad sapat na raw 'yung two years of experience sa ibang company," aniya nang magkita-kita kami.

Gano'n siguro talaga 'pag mayaman. You can be a corporate slave and be the commander whenever you want to be. I'm happy for her. She's now their company's vice chairman. It's the growth that everyone wants, I guess. To be the leader of your own corporation. To not think about what will happen tomorrow. To not be annoyed whenever your boss is being a mad dog because you are now the boss.

I miss her noise.

"Iba pala talaga 'pag wala si Heather," ani Marco at bahagyang natawa. "Walang kasabayan si Michelle sa pag-iingay."

"So sinasabi mong maingay ako?" Tinaasan ko siya ng kilay.

"Sinungaling naman ako 'pag sinabi kong hindi, 'di ba?" He giggled.

"Alam mo ikaw!" I stood up and grab his ear. I jokingly twisted it.

"Ay si Michelle mapanakit!" Asar niya pa.

Office hours finished smoothly. On leave si miss Liezl so walang napagalitan na taga editing department. Unlike the usual na kung makasigaw siya ay wagas.

"Hey!" I greeted when I saw Dean, he fetched me.

Ngumiti lang siya nang tipid. Binuksan ko ang pintuan ng sasakyan at sumakay na. Today's our third anniversary. Mag-de-date lang kami sa mall na malapit dito dahil hindi rin kaya ng oras niya. Aniya'y marami pa siyang digests na babasahin at mayroon pang assignment sa criminal law. Hindi ko naman iyon maintindihan kaya um-oo nalang ako na saglit lang kami. Kakain lang at maglilibot siguro nang kaunti then uuwi na.

"Where do you want to eat?" He asked.

Agad ko siyang sinagot dahil mukhang wala siya sa mood. Iniisip ko nalang na baka pagod siya at inaalala ang mga dapat gawin pagkatapos ng gabing 'to. Alam ko na dapat masaya lang kami because it's our anniversary but looking at him, he doesn't look happy. Seryoso ang mukha at bagsak na mga mata. Kagat-kagat ko ang labi ko nang tinangka kong hawakan ang kamay niya. Tinanggap naman niya iyon. We walked while holding each others hand. It feels warm and comforting.

Napangiti ako nang bumitaw siya at hinawakan ang baywang ko. It's my most favourite gesture of him. I feel safe whenever he does that. Lalo na sa tuwing nakaupo kami at magkatabi. He would always put his arm around me, owning me like his precious possession.

I am so in love—no, scratch that...I am damn smitten. So fucking falling each day with Dean Nicolas Uy.

Alam kong sinakop ng mga tsino ang West Philippine Sea, pero sinakop din ng Uy na 'to ang puso ko. Siya lang naman 'yung mahal kong tsino at hindi 'yung mga mapagsamantala, kaya siguro naman mapapatawad ako ng Pilipinas. T'yaka one-fourth blooded lang naman ang isang 'to.

"P'wede bang sumaglit lang muna tayo sa Watsons? Ubos na kasi 'yung mga binili ko last month," I asked him.

"Okay, sige," sagot niya.

The Monster Inside HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon