Chapter 1

6.3K 255 99
                                    

Out Of This Hole

Ruri's POV

Maaga pa lang pero grabe makayugyog si Lola. Ang alam ko weekend ngayon eh.

Hmmm?” Pasibangot kong atungal.

“Gising na!!! May bisita ka sa labas!!” sabi ni Lola at yinugyog nanaman ang katawan ko.

Naka ilang yugyog si Lola bago ako nagpasyang imulat ang mga mata ko.

Mukhang walang balak magsawa si Lola.

"Opo lalabas na po" sabi ko at agad naman siyang tumigil.

Napanatag ako at matutulog na sana ulit. Pero may narinig akong pagbubulungan malapit sa pinto ng kwarto ko.

“Mamaya na ako babangon...” sabi ko at tinakpan ang mukha ko ng unan.

Maya-maya nawala yung bulungan na naririnig ko. Bigla na lang may humila sa paa ko. Dalawang kamay sa tig-isang paa ko.

Agad namang nagising ang diwa ko.

Mga lapastangan sino ang gumising sa'kin???!!!

“Gising na!” sigaw ng isa sa pamilyar na boses.

Hoyyy bruha!!! Gising na” sabi ng isa pang pamilyar na boses.

Nang tuluyan kong imulat ang mga mata ko, nakita ko ang dalawang lapastangan na sumira ng tulog ko. Si Kuya Clark ang nasa kaliwa, at si Kuya Sean naman sa kanan.

Mga punyawa!

Hinila nila ang paa ko pababa ng kama.

Mga lapastangan!!!

“Natutulog yung tao eh!!” sabi ko.

Biglang bumukas ang pinto at napatingin sina kuya doon. Maging ako ay napatingin na rin.

Si Tita Mylene!!!!

“Tita Mylene!!!” sigaw ko at sinipa ang dalawa kong kuya.

Ewan ko kung saan tumama sipa ko, basta makaalis ako sa dalawang lapastangan na'to.

“Ruri!!” Salubong niya at naka-abang na ang dalawang kamay niya para sa yakap.

Mabilis ang naging paglakad ko papunta sa kanya. Niyakap ko siya ng mahigpit.

Mag-aayos po muna ako Tita" sabi ko bago ngumiti kay Tita.

Tumango naman siya.

“Ay tama yan!! Buhok mo sabog parang katulad nung kinakabitan nung buhok sabog din!!” pahabol ni kuya Clark bago ako makapasok ng Cr.

Di ko na lang pinansin, ni-lock ko na ang pinto ng CR. Naghilamos ako at tumingin sa salamin katapat nung lababo.

Doon ko nakita ang mala gubat kong buhok. Sabog-sabog at parang minions na kulay purple ang buhok ko.

“Woahhh!!” sabi ko at kunwaring namangha sa buhok ko na nakita sa repleksyon ko sa salamin.

Nag toothbrush muna ako. Naghilamos na rin ako. Pinunasan ko ang mukha ko sa tuwalya na nakasabit sa malapit. Kinuha ko ang suklay at sinimulan ang ritwal. Ritwal ng pagpapatuwid ng buhok kong mala nylon at buhol-buhol.

Aray!!” Sabi ko sabay ngiwi dahil sa sakit habang sinusuklay ang buhok ko.

Shakittttt!!!!!

The Only Peach In Five Apples [Under Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon