Chapter 48

1.3K 90 16
                                    

Arcade Date

Ruri's POV

Tuwang-tuwa ako habang naglalaro nitong animo'y motor. Tawang-tawa rin naman 'yung batang nakikinood sa gilid ko.

Naano 'tong bata na 'to?

Napakunot ang noo ko habang patuloy na naglalaro. Panay ang sadsad ng motor na nasa screen sa harap ko. Ikinahagalpak pa nung bata nang sumadsad na naman ako.

"Ate galingan mo naman" pang-aasar nito.

Ilang minuto pa ang ginugol ko nang matapos na ito. Mapang-asar ang mga titig nung bata. Tantsa ko ay nasa 9 na taong gulang pa lang ito.

Angas nitong bata na 'to ah... Kaninong anak ba 'to? Pakitago nga 'tong bata na 'to baka di na makabalik 'yan sa kanila nang hindi umiiyak...

Tumayo at umalis na ako dito sa kinauupuan ko. Pinuntahan ko si Chris na nakatayo lang sa may bandang likod nitong animo'y motor na ito. Magkasalubong ang kilay ko na siya namang una niyang napansin.

"What's wrong?" tanong agad nito.

"Wala" agsik kong sagot.

Mabilis akong naglakad palayo doon. Lumingon ako. Sakto namang halos mapasubsob na ang mukha ko kay Chris. Hinawi ko siya para makita ulit yung bata.

"Ano nangyari sa'yo?" tanong ulit ni Chris.

"Wala nga" agsik ko kasabay ng pagtapon ko ng masamang tingin sa kaniya.

"Ilan pa token natin?" pilyong tanong ko.

"Hmmm, about 20 tokens left" sagot ni Chris.

Tumango-tango ako bago ngumiti. Bumalik ako doon na siya namang kinuwestyon ulit ni Chris. Sinenyasan ko na lang siyang manahimik.

Pasimple kong ibinulsa ang tokens na ibinitang nung bata. Abala sa paglalaro noong sinakyan ko kanina ang bata kaya di niya na ako napansin. Nasa 10 token ang nakuha ko. Ngumisi ako bago naglakad palayo.

"Ano ginawa mo?" pagtataka ni Chris.

"Hmm, ako?" turo ko sa sarili ko.

Itinaas niya ang magkabilang kilay na siya namang nagsilbing tugon. Ngumiti ako na halos ilabas ko ang buong gilagid ko.

"I didn't do anything po" taas pa ang dalawang kamay ko na animo'y inaaresto.

"Really huh?"

"Duda ka ba?"

Hindi na siya sumagot nang hilahin ko ang manggas niya. Dinagit ko siya sa panibagong nakahatak ng atraksyon kong laro dito sa arcade.

Ilang segundo rin kaming naglalakad na hatak ko siya sa manggas. Hinatak niya ang pulsuhan ko na siyang ikinagulantang ko. Napalingon ako agad sa kanya.

"Come here" utos nito.

Pinapasok niya ako sa isang sobrang liit na silid. May nakaharang pa sa pasukan noon pero siya na ang humawi para makapasok ako. Pinaupo niya ako na siya namang agad niya ring tinabihan. Nakita ko anh maliit na screen pati ang maliit na camera.

"Let's take a picture..."

Photobooth, nakita ko iyon sa mismong harapan ko na nakasulat malapit sa screen. Napa-iktad ako nang maramdaman ko ang daliri niyang dumikit sa pisngi ko. Inayos niya ang nagkalat na buhok sa mukha ko. Gulo-gulo na rin pala ang itsura ko nang makita ko ang repleksyon ko sa screen. May ilan lang na pinindot at kinutingting si Chris.

"Here we go" sabi nito at nagsimula naman ang bilang sa screen.

Nagulat pa ako nang hindi ko alam ang pose na gagawin ko. Ngumiti ako habang tinitingnan ang repleksyon ng sarili ko sa screen. Napansin ko namang nanatili ang walang emosyong mukha ni Chris. Tumingin ako sa kanya at pinuwersa ang mga labi niyang ngumiti gamit ang dalawang kamay ko. Nag flash na ang camera sa eksaktong ginagawa kong iyon na siya namang ikinahagalpak namin pareho.

"Mukhang ewan 'to, ayusin mo nga para kang inagawan ng cotton candy" panunudyo ko.

Nagsimula na ulit ang bilang mula sa screen. Nag-isip ako ng panibagong pose na gagawin ko. Kita ko ang repleksyon naming dalawa ni Chris mula sa screen. Halos manayo ang mga balahibo ko nang makita ko sa screen na nakatingin siya sa akin. Malawak ang ngiti at naka pako ang mga mata sa akin.

Susuntukin ko 'to...

May pasimpleng bulong siyang binigkas pero hindi ko na naintindihan. Bahagya akong napapitlag nang mag flash na ang camera. Bumalik ang diwa ko sa akin.

Baliw na ata ako, mali ata na tumakas ako sa mental...

"Hmmm, ayusin mo rin you look so shocked para kang nawalan ng token" pang-aasar niya.

"Kapag sinapak kita-" naputol ang sasabihin ko nang hawakan niya ako sa pisngi at iniharap sa screen.

Sakto namang napasarap ang asaran namin at di na ako nakapaghanda sa susunod na litrato. Hawak ni Chris ang pisngi ko nang mag flash ang ilaw nung camera.

Pareho kaming natawa nang lumabas sa screen ang picture na iyon. Para kaming mga bata na animo'y nag-aagawan sa candy. Sa laki ng kamay ni Chris ay kaya ata matakpam ang buong mukha ko. Dagdag pa na napakaliit ng mukha ko kaya halos magmukha akong batang umaagaw ng lima.

"Hmmm, ayusin mo naman" reklamo ni Chris.

"Ikaw nga 'yun eh, ang gulo mo kasi gigripuhan na kita" banta ko habang nakatingin sa screen.

"Hmmmm, let's prepare for the other one"

Nakapangalong baba ako at nakangiti ako ng malapad. Sa ngiti kong ito ay halos manaba ang pisngi ko dahil sa tambok ng cheek bones ko.

Kita sa screen ang mga mata ni Chris na animo'y linya na lang. Nakahawi ang buhok niya pero singkit na singkit ito kaya halos hindi na rin kita. Hindi ko man lang makita kahit saglit 'yung kulay ng mga mata nitong lalaking ito.

Napalingon naman ako kasabay ng pag-flash ng camera. Kita ko ang kamay ni Chris sa likod ng ulo ko. Napagtripan na naman ako nitong lalaking ito. Nang makita ko ang kuha ay tinapunan ko siya ng masamang tingin.

"Baliw ka!" sabi ko kasabay ng paghila ko sa patilya niya.

Dinogshow lang ako nitong kapre na 'to ah...

Maya-maya ay lumabas na din ang printed copy nung mga litrato namin. Kinuha ito ni Chris. Lumabas na kami at tiningnan namin ang mga kuhang litrato. Halos walang maayos na kuha.

"I'll keep this" sabi ni Chris.

Kinuha niya ang wallet niya tsaka isinuksok ito doon. Marunong din pala ngumiti itong kapre na 'to.

"Thanks for a really great time.
I enjoyed our date..."

D-date? T-teka lang...date? Date? Hoy kapre h-hoy A-ano? Ha? Ano kamo?

Halos malusaw ako sa hindi malamang dahilan.

The Only Peach In Five Apples [Under Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon